Thursday, January 29, 2009

Two New Years

It's been a while since my last post. Lumipas na ang Christmas, dumating na ang New Year at eto, new year na naman... Chinese New Year!

It's funny to note having two new years in one year. Parang yung standards ng graft and corrupt practices act ng gobyerno. Sabi ng World Bank, me tatlong Philippine-based construction companies na involved sa rigging ng bidding and these were all blacklisted. Sabi naman ng DPWH, at ng mga Tongressman na tiyak sumasahod sa mga blacklisted construction companies na ito, wala at hindi totoo ang sinasabi ng World Bank. Katunayan, dagdag ng DPWH, mas mahigpit nga ang bidding laws dito sa Pilipinas and based on the DPWH standards, malinis ang mga construction firms na blacklisted ng international financial institution.

Sino ngayon ang baliw... este mali: Ang World Bank o ang DPWH?

Going back sa new year, puwede namang sabihing pareho tama both ang international new year (based sa Gregorian Calendar) at ang Chinese New Year (based on a Lunar Calendar). Analogously, puwede ring sabihing tama ang World Bank at ganun din ang DPWH. Ang kaibahan nga lang, mas mahigpit ang DPWH kasi, sabi ng isang ispiritu santong prayle sa loob ng departamento, money down muna. No money, no honey... este, no contract. Tama ba?