This is surprising. Asan na yung palaban niyang stance? O nagbasa na siya ng libro ni Dale Carnegie na "How to Win Friends and Influence People"? She seems to be fanning something. A smoke to cover something? Maybe. Pero ano nga ba ang implications ng resignation ni Merci? Let us count the ways:
- Kinain niya ang salita niya. Pareho pala sila ni GMA -- saying one thing and doing the other.
- Bluff lang ang tapang ng pinakita niya. Pareho pala sila ni GMA kunyari malaki, maliit lang naman. Kunyari matapang, bahag din ang buntot.
- Hindi niya nirespeto ang karapatan ang mga tao na malaman talaga ang katotohanan.
- Chikadora. More than this, lumalabas na isa siyang sinungaling. Ang sabi niya: the interest of my family, my office and more importantly the nation must come before any personal consideration. On the other hand, sinabi niya rin na: [I]f I persist in fighting the charges levelled against me and I lose, I lose not only my retirement benefits, the opportunity to again serve government in equally dignified but less taxing capacities, but will also reap the shame of being the first Ombudsman to have been forcibly removed from office (Emphasis supplied).
- Posibleng tama ang mga akusasyon sa kanya. Tinimbang siya ngunit kulang.
- Sinayang niya ang preparasyon sa Lower House at sa Senado.
- Sayang din ang mga papel at laway sa committee hearings sa Lower House.
- Sayang din ang mga pinatahing damit ng mga Senador para sa Impeachment Trial.
- Sayang din ang oras na kanyang pinahaba. Sana kung napaaga siyang nag-resign, me accomplishment na sana ang Ombudsman na pumalit sa kanya.
But it's a stroke of art. Kung kailan me royalty wedding fever ang mga tao at kung kailan nasa Europe si Gloria Arroyo, saka pa siya nag-resign. Tsk, tsk, tsk. Bantayan natin ang ratings bukas kung kelan huhupa na ang epekto ng kasalang William at Kate.