Wednesday, March 29, 2006

"C" is for "Cha-cha"?

Definitions 101?

PIG for Cha-Cha -- People's Initiative of Gloria for Charter Change
TANGO muna bago Cha-Cha -- (1) Tanggalin si Gloria bago Charter Change
(2) Transitional Administration of
Non-Gloria Organizations muna bago Charter Change
(3) Transitional, Alternative, and New Government Only before
Charter Change.

Administration-sponsored Cha-cha craze is indeed raising eye-brows. And not only-eye brows but hairs especially with the presence of Puno.

Admin Tactic: Call barangay assemblies and discuss Cha-cha. Kasabay siyempre ang pirmahan blues.

Questions:

  1. Barangay assemblies? Ba't ngayon lang after almost half decade of administration of Gloria in the Palace?
  2. At bakit Cha-cha? At bakit hindi development plan ng barangays? Sa barangay ni Aling Maring, walang kalsada kaya ang gulay na kanyg binebenta, laging lanta. Kina Mang Bok naman, problema ang tubig. Sabi aayusin ni Gloria in the Palace. Lawit na ang dila ng mga tao sa kaaantay wala pa ring tubig. Kina Tatang Siyano, problema ang pataba. Sabi me fertilizer daw na pinamimigay ang gobyerno. Kaya nga me scam. Pero nangamatay na ang dapt patabain, walang fertilizer na dumating. Usap-usapan pa naman na "liquid fertilizer" daw yun. Di kaya na-liquidate na talaga? Senator Magsaysay, ano na po nangyari sa imbestigasyon mo? Sa may Northrail naman, kina Lani, problema pa rin ang malilipatan. Propa lang pala ni Kabayan ang housing project. Teka, dami ng problema ah. Ba't di na lang yun ang pinag-usapan? Ba't Cha-cha? Chicharon ba yun? Nakakain ba yun?
  3. Teka, may budget daw yung mga barangay assemblies. Siyempre pakain, sound system. Ganuuun????!!!! Sabi walang budget at di suportado ng gobyerno? Di na ba parte ng gobyerno ang barangay?
  4. Malala pa, wala raw honorarium ang mga punong barangay na walang barangay assembly. Baka ito ang ibig sabihin ng walang budget?
  5. At wala rin daw IRA ang barangay na walang napapirma. Hmmnnn. Baka ito nga talaga ang ibig sabihin ng walang budget?

Of course, kesa naman walang pera at maipit sa battle of the bands, este, battle of the opposition and the administration at sa maaaring tsismis, paninira at pangungulit ng mga ka-barangay (siyempre dahil kukulitin sila sa mga proyekto lalo na kung di dumating ang IRA), me mga bulong-bulungan sa mga kanto. Eto daw ang ginawa ng ilang kapitan para mangalap ng pirma para sa PIG for Cha-cha:

  1. Nang magsimula ang barangay assembly, pinapirma ang mga tao sa attendance sheet. Yun pala, di naman attendance sheet kundi dokumento na nagsasabing pabor sila sa Cha-cha. Oks di ba?
  2. Ang iba naman, nagbayad ng P50 sa bawat pumipirma. Galing di ba?
  3. Ang iba, ipinirma na lang. Mas magaling, di ba?
  4. Ang iba sinabihan na may ibibigay na rasyon ang gobyerno kaya napapirma. Magaling din, di ba?
  5. Eto ang mas magaling. Sabi ng mga opisyal ng barangay, "Sino ang ayaw na kay Gloria? Lumapit lamang po at pumirma." Dumagsa ngayon ang mga tao. Andaming pumirma ang di alam ng mga tao, patungkol na pala sa Cha-cha ang dokumentong pinipirmahan nila.

Friday, March 24, 2006

Free media IFF...

According to Toting Bunye, media is as never free as they are today.


Sabi ni Doy: HUUWATTTTT????


Sabagay, me ponto rin si Toting. Media is free on the condition that one should not be critical to the administration of Gloria in the Palace. And it is a very clear rule.

Otherwise:

  1. Malacanang will take it over kahit walang Martial Law. General Order # 5 lang ang katapat niyan.

  2. Siyempre, putol ang advertisements. EO 511 din ang katapat niyan. May theme song pa:

    Killing me Softly

  3. Iba-brand ka na kasapakat ng mga NPA. Presidential Proclamation 1017 naman ang basehan.

  4. Puwede kang ikaso at i-harrass ng tulad ng ginagawa ni Jonathan Tiongco sa PCIJ.

  5. Kung medyo me tuta na nakaharang sa daan (parang Noli De Castrated ba), you will also be pitted against the number 1. In plain words, "isasabong ka!" Parang ABS-CBN versus GMA-7 na boxing round with Gloria in the Palace as the instigator. (Sino kaya ang mina-manage nitong si Gloria in the Palace? Porke ba si un-gentleman mike ginagawang manok si Pacquiao gusto rin ni Gloria in the Palace na meron din siya?)

  6. Pagagalitan ka at ipapahiya sa iba pang media practitioners lalo kung eleksiyon. Tulad nung reporter sa GMA-7 last 2004.

  7. Maaari ka ring mamatay lalo kung tinatahulan mo rin ang kaalyado ni Gloria in the Palace sa baba.

  8. Kung patay ka na, patutulugin din ang kaso mo tulad ng nangyayari ngayon sa kaso ng halos lahat ng journalists na namatay sa administrasyon ni Gloria in the Palace. Lalabas na binaril ka ng multo.... kasi nga walang suspect. o kung nakita man, mahirap hanapin o di mahanap. tulad ng multo na basta na lang lumalabas. hala ka! may momooooo.......

Wednesday, March 22, 2006

Gloria in the Palace, a Coup Plotter?

Gloria in the Palace, being a part of a conspiracy to commit a coup, is no more a secret. Un-gentleman Mike earlier admitted this in an interview with Graphics Magazine. and her actions betrayed her also. Remember her banning the rallies that once put her in office? And remember her being so rigid against coup d' etats na tsismis pa lang naman at ala pang basehan? Otherwise, me nakulong na nga ba?

Anyway, the guiding folk wisdom is this: Ang magnanakaw, galit sa kapwa magnanakaw!


This also explains why Gloria in the Palace is purging the left particularly the ND group. Kasi nga po, kasama niya ito last 2001 in plotting a coup against Erap.

At lalong galit siya sa ND-group dahil there is a public knowledge na sinusuportahan nito ang CPP-NPA. At ang CPP-NPA, base sa klasipikasyon ng US Government at ni Gloria in the Palace, ay mga terorista. Di ba terorista din si Gloria in the Palace? Kaya hayun....


Pero di ba si Gloria in the Palace din ang nagsabi na "the crime of rebellion is a continuing crime". And she was among those who plotted rebellion in 2001. That means, continuing pa rin ang crime niya. Puwede na ba siyang i-convict? At any rate, di naman siya legitimate?

Mahirap talaga magsalita. Ang isda, nabibingwit sa bibig. Pero sa may ilog namin, nakabingwit ako ng isda sa buntot. Sa kagagalaw kasi, nasabit kaya hayun. Nahuli. Resulta, ginawang pulutan nina Mang Kanor.