PIG for Cha-Cha -- People's Initiative of Gloria for Charter Change
TANGO muna bago Cha-Cha -- (1) Tanggalin si Gloria bago Charter Change
(2) Transitional Administration of
Non-Gloria Organizations muna bago Charter Change
(3) Transitional, Alternative, and New Government Only before
Charter Change.
Administration-sponsored Cha-cha craze is indeed raising eye-brows. And not only-eye brows but hairs especially with the presence of Puno.
Admin Tactic: Call barangay assemblies and discuss Cha-cha. Kasabay siyempre ang pirmahan blues.
Questions:
- Barangay assemblies? Ba't ngayon lang after almost half decade of administration of Gloria in the Palace?
- At bakit Cha-cha? At bakit hindi development plan ng barangays? Sa barangay ni Aling Maring, walang kalsada kaya ang gulay na kanyg binebenta, laging lanta. Kina Mang Bok naman, problema ang tubig. Sabi aayusin ni Gloria in the Palace. Lawit na ang dila ng mga tao sa kaaantay wala pa ring tubig. Kina Tatang Siyano, problema ang pataba. Sabi me fertilizer daw na pinamimigay ang gobyerno. Kaya nga me scam. Pero nangamatay na ang dapt patabain, walang fertilizer na dumating. Usap-usapan pa naman na "liquid fertilizer" daw yun. Di kaya na-liquidate na talaga? Senator Magsaysay, ano na po nangyari sa imbestigasyon mo? Sa may Northrail naman, kina Lani, problema pa rin ang malilipatan. Propa lang pala ni Kabayan ang housing project. Teka, dami ng problema ah. Ba't di na lang yun ang pinag-usapan? Ba't Cha-cha? Chicharon ba yun? Nakakain ba yun?
- Teka, may budget daw yung mga barangay assemblies. Siyempre pakain, sound system. Ganuuun????!!!! Sabi walang budget at di suportado ng gobyerno? Di na ba parte ng gobyerno ang barangay?
- Malala pa, wala raw honorarium ang mga punong barangay na walang barangay assembly. Baka ito ang ibig sabihin ng walang budget?
- At wala rin daw IRA ang barangay na walang napapirma. Hmmnnn. Baka ito nga talaga ang ibig sabihin ng walang budget?
Of course, kesa naman walang pera at maipit sa battle of the bands, este, battle of the opposition and the administration at sa maaaring tsismis, paninira at pangungulit ng mga ka-barangay (siyempre dahil kukulitin sila sa mga proyekto lalo na kung di dumating ang IRA), me mga bulong-bulungan sa mga kanto. Eto daw ang ginawa ng ilang kapitan para mangalap ng pirma para sa PIG for Cha-cha:
- Nang magsimula ang barangay assembly, pinapirma ang mga tao sa attendance sheet. Yun pala, di naman attendance sheet kundi dokumento na nagsasabing pabor sila sa Cha-cha. Oks di ba?
- Ang iba naman, nagbayad ng P50 sa bawat pumipirma. Galing di ba?
- Ang iba, ipinirma na lang. Mas magaling, di ba?
- Ang iba sinabihan na may ibibigay na rasyon ang gobyerno kaya napapirma. Magaling din, di ba?
- Eto ang mas magaling. Sabi ng mga opisyal ng barangay, "Sino ang ayaw na kay Gloria? Lumapit lamang po at pumirma." Dumagsa ngayon ang mga tao. Andaming pumirma ang di alam ng mga tao, patungkol na pala sa Cha-cha ang dokumentong pinipirmahan nila.