Tuesday, March 21, 2006

Tabako Ramos, an economic saboteur?

Because of Fidel "Tabako" Ramos's statement that Arroyo's claimed stability is illusory, allies of Gloria in the Palace started hitting back at the former president calling him as an economic saboteur.

Teka, akala ko ba mataas ang level ng mga nasa Malacanang? Why are they now "name-calling"? At ba't dumami pa ata ang barking dogs ni Gloria in the Palace? Hmmnn... sounds interesting.

According to Tabako, the efforts of Malacanang to resolve the restiveness in the Armed Forces has only resulted to temporary and artificial stability. No doubt, the genuine concerns of the members of the AFP were not addressed. Di naman kasi bahay lang ang problema ng mga sundalo. Buhay din, no?

For Tabako's statement, Cong. Cerilles of Zamboanga del Sur said that the former president should act like an elder statesman and not issue statements that could drive investors away.

Hypocrite! So does the Honorable Cerilles intend to lure investors to the Philippines and make them pasubo sa mga tapal (mis)managements of Gloria in the Palace?

Or pa-impress lang tayo at super-sipsip ng coca-cola, err, kay Gloria in the Palace para sa pork and other perks?

If Tabako Ramos is not telling the truth, then why be afraid? Di naman ata bopols ang mga investors. If Tabako Ramos is not telling the truth, why stoop at his level and start calling him names? Kala ko ba 'elder statesman' siya ba't ala tayong respect sa 'elder' natin? At saka elder? Di ulyanin na yun so why be afraid?

Why oh why?

O baka naman kasi totoo ang sinasabi ni Tabako kaya bark to the teeth kayo ngayon?

Sabagay, ulyanin na nga si Tabako. Tanda na, eh. And here are the reasons why Tabako has become more and more forgetful:

1. He forgot his satisfaction ratings while he was still president. As a result, di niya na-compare ang satisfaction ratings ni Gloria in the Palace. Immediately, he pushed for cha-cha under Gloria. Kaya naman napuno ng disgrasya. Inihulog na ng Dos, nawala pa ang iba... (kasama na ba ang RPN at IBC?) I mean, all the policies of Gloria in the Palace were met with skepticism kahit gaano pa ito kaimportante tulad ng cha-cha.

2. He forgot the rigodon-type of decision-making na meron si Gloria in the Palace. So, kala ni Tabako go na ang cha-cha pero ayun, bye-bye love na. Siguro di talaga naalala ni Tabako ang "I will not run". Sana inisip na lang niya yung "to be or tutubi", err, "To Be, or Not To Be". Para naman may recall ang "I Will Not Run". O di ba?

3. Tabako forgot his spins during the 1992 elections. And he also forgot na hindi siya nahuli at iba ang sitwasyon niya noon sa sitwasyon ni Gloria in the Palace ngayon. Noon, walang "Hello Garci!". Ngayon, meron. So Tabako thought na cure-all ang cha-cha so he said "Hello Gloria" ala knight in shining armor.

4. And Tabako forgot na walang sinasanto si Gloria. O di niya talaga alam? Kaya iyong efforts niya matapos ang unang bugso ng Gloriagate Crisis, nawalang parang bula lang. Poor Tabako! Sabagay, puwede kang bigyan ng award ni Vicky Morales sa Wish Ko Lang. Kasi swak ka sa "Search for Good Samaritan" episode nila last Sunday. Di ba nagta-trabaho ka ng walang kapalit?

5. Most of all, baka nalimutan ni Tabako na di na siya presidente? At nalimutan niy na di na VP si Gloria in the Palace? Kaya siguro inakala niya na kaya niya pang pasunurin si Gloria?

My, Oh my!

No comments: