Trying to outwit the Senate once again?
For the information of Cruz and the legal minds of Malacanang, the decision is deemed final and executory when nobody is contesting it. Have you contested it? Was your contention already filed? O baka sa media niyo lang kino-contest?
Earlier you said that the report contains confidential information that may affect the interest of the public. With your statements saying that the release of the report is dependent on the high court's decision on the finality of EO 464, you are simply contradicting your earlier pronouncements – that is, the report cannot be released for reasons of confidentiality affecting public interest. Otherwise, your statement would be like this: The release of the Mayuga report is dependent on the court's determination of the “public interest” behind the report's confidentiality. O di ba?
Pero teka, why use EO 464 as an excuse not to release the Mayuga Report? Baka puwedeng paki-review ng desisyon ng Korte Suprema especially sa portion na nagsasabi kung sino (at di ano) ang covered ng order.
Nabubuking tuloy kayo. Release niyo na kasi!!!
But while the release of the Mayuga Report is still pending for reason's of the court's decision on the finality of EO 464, wala namang rason ang Rapu-Rapu Fact Finding Commission (RRFFC), created through Executive Order (EO) 145, para i-delay pa ang release ng RRFFC Report. Sabi kasi, the commission was given enough time already. O baka nang-ko-komisyon lang ang mga miyembro ng komisyon, ang first family, at ang mga alila, aso, tupa, linta, atbp.? Sabi kasi ng ilang sources natin, ginagawa daw kasing gatasan ang Rapu-rapu polymetallic project ng ilang pulitko at alalay ng mga Arroyo. Kaya mas dine-delay ang release ng report. Pag nadesisyunan daw kasi agad, goodbye milking cow na. Totoo kaya ito?
Ewan. Ang balita ng Tribune, the delay of the re-starting of the project has creted a lot of uncertainty and that investment loses may amount already to $259 million including bank loans of $43.40 million; shareholders advances totalling to $39.50 million; and $176.10 million in bank hedging exposures; plus monthly overhead cost in maintaining the project during the shutdown period of approximately $2.7 million per month, with foregone revenues of $13 million.
Galing naman. Puwedeng mag-miyembro sa RRFFC?
But hours ago, Gloria in the Palace, who is now in the Middle East applying for a DH.... err, visiting Flipino DHs, was so happy announcing that the government of Saudi Arabia has released not only 50 but 100 Filipinos who were jailed for various crimes.
Kakatuwa nga, di ba? Kasi sa halip na maging preventive ang Philippine Government, mas nagiging beggar pa ito ng 'awa' ng foreign governments. Kung pagtataboy sa mga Pilipino lang naman pala talaga ang thrust ng gobyerno, ba't di na lang mag-institute ng mekanismo para i-orient ang mga Pinoy sa mga batas sa ibang bansa bgo palayasin? At bakit di rin mag-institute ng mekanismo para palakasin ang mga abugado ng mga nahuhuling Pinoy sa ibang bansa at ng sa gayon ay maipagtanggol din kahit papano ang kanilang mga karapatan?
Sabagay, mas magastos nga ang proposals ni Tikboy kaysa sa humingi ng awa sa ibang bansa, di ba? Smile again with two front teeth, Gloria!!!
No comments:
Post a Comment