Thursday, October 11, 2007

Arroyo Impeachment: Who's Behind What

Cebu Congressman Pablo Garcia pointed DILG secretary and KAMPI chairman Ronaldo Puno as the brains of the Arroyo Impeachment case filed by lawyer Roel Pulido. Pero sabi ni Puno sa Inquirer.Net: I deny those. You know si Congressman Garcia baka nagtatampo pa sa akin [still holds a grudge against me] because I supported [Jose] De Venecia in the last election for the Speakership.

Sabagay, sino nga ba naman ang aamin sa isang masamang gawain? Si Pilato nga naghugas pa ng kamay sa harap ng madla.

But assuming what Puno said is true, sino ngayon ang utak ng weak impeachment complaint? Sabi ni Pulido siya lang naman ang may pakana nun. What interest, therefore has he against GMA eh ang galit niya ay kay Joe De Venecia? And if he is really against GMA,why the rush? Ba't di muna niya pinalakas ang kaso by gathering more evidences? In an TV interview, he even admitted na 3 pages lang ang ginawa niya. And di niya masagot ng diretso ang tanong kung may malakas nga siyang ebidensiya.

And if Pulido is the sole brains of the "impeach-me-if-you-can" drama, bakit nasa eksena si Ver na dating Secretary General ng Kampi at dating tauhan ni Puno? And to consider, hindi daw magkakilala sina Ver at Pulido which means there is a hand rolling the dice and dealing the cards, di ba? And in simple terms, somebody is lying.

Pero sagot ni Puno sa interview kanina sa Unang Hirit, ang bopols naman nila kung si Cong. Crispin Beltran pa ang babayaran para mag-endorse ng impeachment complaint at ikalawa, ang bopols naman nila if they file an impeachment complaint which will later backfire dahil hindi buo ang KAMPI.

But Puno seems to twist the facts. Why Beltran? Kasi nga, si Beltran ang pinakamahirap na congressman sa lower house. Base sa SAL na nai-submit niya noong 2004, P70,000 lang ang assets niya as compared sa milyones na assets ng iba pang kongresista. Given this, sino ang di matutukso sa P2 million? Ikalawa, Beltran has more axe to grind against GMA considering na sa Batasan 6 brouhaha, superman lang ata ito, este, lonely man lang ang tatang sa pagiging arestado. Third, palaban naman ang tatang dahil sa pagiging aktibista at national democrat nito. So the question is: Why not Beltran?

Ang mali nga lang ni Ver, Beltran's loyalty to the money ends where the loyalty to the party begins. (Naks!)

Next, hati ang KAMPI so why create more chaos by endorsing an "impeach me if you can" drama? Si Secretary naman, parang di operador. Kung ang iba puwedeng maloko sa shallow reasoning na yan, ang iba lang yun. At ito rin ang mga shallow-minded. Ilan ba sila?

The reason why chaos is staged is to create unity, di ba? So by making a theatrical show na kunyari i-impeach ang presidente, magkakaroon ngayon ng bonding ang mga taga-KAMPI. At magka-kampi-kampi na sila. Para naman tayong grade 1 nito, Sec.

Of course, Garcia may have an axe to grind against Puno for he was duped to stage a fight with De Venecia, and he was left in solitaire by the party when KAMPI was divided in supporting him and De Venecia. But Garcia to tag Puno, a party-mate, as the brains of the impeach-me-if-you-can drama is revelation of something. And this could be that Puno is really a brain or among the brains of that drama. What Garcia did was a direct accusation at hindi rin ata shallow minded si Garcia not to note na puwede siyang kasuhan ni Puno at puwede siyang mawala sa loop ng KAMPI, gayon din sa range ng mga nabibiyayaan. And since he is directly accusing Puno, he must be basing his accusations on evidence.

Hmmmnnn... Ma-consult ko nga si Inday sa rules on evidence...

No comments: