Happy na sana ang Pasko. Sino ba naman ang di matutuwa sa balita galing sa Malacanang: PGMA leads gift-giving rites at DepEd to some 2 million schoolchildren nationwide.
For years, marami ang kulang sa mga public schools: tens of thousands of teachers, a hundred thousand of classrooms, books and other school facilities. But reading on, eto ang bumulaga: Assisted by Education Secretary Jesli Lapus, the President distributed the red gift bags containing rice, groceries, educational toys, school supplies and reading materials at the Bulwagan of the Department of Education (DepEd) in Pasig City to some 600 public schoolchildren, including those from the Philippine School for the Blind, Philippine School for the Deaf, and Muslim communities.
Teka, teka, teka. Kala ko de-kalidad na edukasyon ang gawain ng DepEd. Ba't mukhang pang-DSWD na? Bakit groceries? Di ba puwede kahit additional na titser para di na 3 shift ang mga paaralan? Di ba puwede dagdag na classroom, para wala ng siksikan? O kaya sapat at me kalidad na aklat para me laman ang utak?
Wala namang problema sa pamimigay ng grocery. Pero ba't DepEd at di DSWD? Quoting Doy: Ganito na ba talaga ang country?
Anyway, Merry Christmas na lang po. Umasa na lang po tayo na sa panaginip, matutupad na ang pangarap ni Buknoy... na next year, me silya na sa classroom nila pra di na siya uupo sa sahig.
No comments:
Post a Comment