Saturday, March 08, 2008

Goodbye, presidential seat!

Me kasabihan: Huli man daw at magaling ......... huli pa rin.

Finally, Vice President Noli De Castro is now open to talks with the anti-GMA forces for the ouster of his lady boss. Kaya lang marami ang nagtataka, pagtataka na meron pang soundtrack ni Ogie Alcasid na "Bakit ngayon ka lang?".

Bakit ngayon nga lang ba si Noli nagsalita after those dark days and lonely nights? Let us count the ways:


  1. Malapit na ang 2010 presidential elections. And his stints in politics is just new: three years in the Senate, four years as vice president. Ano nga ba naman ang panama niya kay Manny Villar na maliban sa pagiging public official in appointee position,naging congressman pa ang ST, Speaker of the House, Senador at Senate president? At ano rin ang panama niya kay Mar Roxas na naging appointed public official at Cabinet Secretary, naging consultant pa sa ilang malalaking organisasyon public man yan o private bago naging senador? Si Erap nga naging mayor muna bago naging presidente.

  2. Malapit na ang 2010 presidential elections. Lahat ng makakalaban niya na lumulutang na ngayon me mga partido na susuporta. Siya? Siya po ay isang independent lamang at taga-sunod kay Gloria. Si Erap nga, bago naging president kahil 3 taon lang, meron ding LAMMP maliban sa ngayon ay party-list na PMAP. At andiyan din ang UNO na kahit papano ay pinakinabangan din ng ousted president. Siyempre, kailangan din ni Noli ng partido at makukuha niya lamang ito kung me pang-leverage siya. At ito ang pagiging presidente ngayon kung matanggal si Gloria.

  3. Malapit na ang 2010 presidential elections. At wala siyang masyadong malaking pera to finance his campaign. At nakita niya, mapera pala sa gobyerno lalo kung nasa langit ka, este, nasa pinakamataas na posisyon. Kung ayaw mo na humingi sa America, puwede kang mangutang sa China o ibenta ang ilang pulo sa Spratlys.

  4. Ang masaklap, malapit na ring mawala si Gloria. At ang isinusulong ngayon, Resign All!. Inaantay na lang si Chief Justice REynato Puno na sumagot ng matamis niyang "oo". At tingin naman ng halos lahat na sector at ng iba-ibang political spectrum from Left to Right, ok naman si Puno. Walang negatibong record. Kahit ang kampo nina Villar at Roxas, payag din. Ngayon, kung resign all ang mode, paano pa si Noli? Balik sa TV? At paano pa ang pangarap niya na maging presidente, pangarap na nabuo lang ngayong huli?


Si Charming na anak ni Aling Maring, niligawan ni Pido. Nagpakipot ng nagpakipot kaya hayun, tumandang dalaga. Ang Pido naman, meron ng asawa. Ganito rin ata ang magiging kapalaran ni Noli?

No comments: