Saturday, April 26, 2008

What is life without dignity?

The Vicente Sotto Memorial Scandal would not die down. A few days ago, nagpalabas ng press release ang hospital admitting some excessive and unwanted actions on the part of their personnel. Kaso di pinangalanan. Bakit? Dahil sa right to privacy of the doctors and nurses involved? Paano naman yung right to privacy ng pasyente?

Worse, argumento ng hospital, isipin din ang kakulangan ng mga doktor. At dapat nga magpasalamat pa dahil maayos ang operasyon at safe ang pasyente.

Tsk, tsk, tsk! Ganyan ba talaga sila kababaw? What is life without dignity, in the first place? Buhay nga ang pasyente parang baboy naman ang tingin sa kanya. Dagdag pa ang banat ni Msgr. Dakay ng Diocese of Cebu. Sabi ni Dakay, kasalanan ng biktima ang nangyari kasi in the first place, nakipag-sex ito sa kapwa lalaki. In simple terms, dissecting Dakay's logic, okay lang gumawa ng isa pang kasalanan kasi me nauna nang kasalanan. Analogously, okay lang ang mga sex scandals na involved ang mga pari kasi in the first place, pumatol naman ang mga babae. Galing di ba?

Hmmmnnn.... Kaya pala kina Tikboy me mga pari na magagara ang bahay. Usap-usapan, donated ito ng mga jueteng lords para sana sa pagpapa-renovate ng simbahan. Kaso di na ipinagawa ng simbahan kundi personal na bahay ng pari kasi in the first place jueteng money naman ito. At meron din na nagbuntis at nanganak gayong wala namang asawa. Out of immaculate conception? Siguro pero ang alam ng lahat, close ang babae kay father. At malaki ang hawig ng bata kay father. So, using Dakay's logic: It's just ok that father fathered a child because the mother of the child was willing also to let father be the father of what he fathered.

Ang gulo!

No comments: