Friday, June 06, 2008

Is Juday in dire need of money?

After Ploning failed to hit the theaters, Judy Ann Santos popularly known as Juday tried to make a comeback with a Meralco advertisement. Sa ad, pinaliwanag niya ang tungkol sa systems loss with a slant in favor of the electric company.

Nalugi ba si Juday sa produksiyon ng Ploning kaya kahit most unpopular side pinapatos niya para lang magkapera? Or she just wanted to prove na malakas pa rin ang hatak niya and she can turn the odds?

Whatever, it seems that Juday is misled. Hindi po yelo ang kuryente at ang pagkakatunaw ng yelo ay hindi tulad ng systems loss. At least sa yelo what you see is what you get. Sa kuryente, ni hindi transparent ang Meralco so how can you compare the two?

Kung sabagay, tama naman ang manedyer niyang si Alfie Lorenzo. Nagbabasa lang ng script si Juday so bakit kailangang pagdiskitahan ang actress? Pero teka, ibig sabihin nun, hindi nag-iisip si Juday? Papaano kung libelous statements ang ipabasa sa kanya, okay lang ba yun? O kaya sa loob ng sinehan utusan siyang sumigaw ng "sunog! sunog!", gagawin rin ba niya?

Sayang, bilib pa naman sana ako sa kanya kaso di pala siya nag-iisip. O wala na talaga siyang pera?

Kulekta kaya tayo ng piso-piso para kay Juday?

No comments: