Friday, September 12, 2008

Trust!

From the ZTE scandal, we have the Meralco Scandal, then the Court of Appeals Scandal. Wala na bang katapusan?

I thought sa Quiapo lang mabibili ang mga "scandals" -- tatlo-isandaan, DVD, DVD. Di pala. Eto ang mas malala pa sa sex scandals sa UST, sa KyuSi, sa Cotabato, sa Makati, etc., etc. At least ang mga sex scandals, manonood ka na lang. Eto, apektado ka, sila, kami, tayo. Ang desisyon ng Korte Suprema sa kaso ni CA Justice Roxas indikasyon na mahirap na magtiwala. Kung nangyari yung ginawa kuno ni Roxas, maaaring nangyayari rin sa iba mula sa mababang hukuman pataas. Wala nga lang may nagrereklamo.

Kung sabagay, kailangan pa ba nating ma-shock? Si Gloria in the Palace nga ni hindi man lang dumampi ang kanyang tumbong sa Impeachment Court so bakit pa tayo mabibigla? And the alleged president, who should show the highest integrity and be the model all over the land eh tainted ang pagkatao so why be shocked? Roxas is just a small pawn... o kahit pa sabihin nating bishop.

Kung sabagay, sabi sa Constitution, "Public Office is a Public Trust". Di naman sinabi na hindi condom di ba? Sabi lang "Trust". So kung hindi man nabuntis, lomobo lang -- lomobo lang ang katiwalian.

Heck!

No comments: