"Paz" or "pax" means "peace". But with the Russian imbroglio, it appears that pass will be re-translated in the Philippines as "trouble" as Eliseo dela Paz, former PNP official, will be facing probes in the Senate and the Ombudsman.
Pero teka, why naman? Eh nagdala lang naman siya ng pera sa Russia worth P6.9 million as contingency fund cum cash advance? Ang mga banko nga billions pa ang mga pinag-uusapan at inililipat sa iba-ibang bansa, di ba? Eh may banko naman ata na pag-aari si dela Paz... meron ba?
Pero kung may banko si De la Paz, siguradong Land Bank yun o kaya PNB. Yun kasi ang banko ng gobyerno. Kay dela Paz na ba yun?
Pero wait, may banko o wala, bakit P6.9 million? Magtatayo ba ng mga day care centers sa Moscow? Kung P6.9 million at ang bawat day care center ay P300,000, marami-rami yun. Sa bayan nga ni Onyo, P24,000 me day care center na. Gawa sa pawid nga lang. Kung sabagay, ok lang yun. Teka, saang rehiyon ba sa Pilipinas ang Moscow? At bakit andun si De la Paz? Siya ba ang bago nating Cabinet Secretary? Kung hindi man, siya ba ang governor o mayor ng isa sa mga bayan dun?
Crazy!
Kung sabagay, De la Paz claims he has nothing to hide. Tama naman kaya nga na-expose ang P6.9 million di ba? So let us wait for the Ombudsman and the Senate muna. Sana di ma-PAZwash, i mean ma-hog-wash ang mga imbestigasyon. At sana ang mga taong bayan tulad din ng motto ni Mike Enriquez ang iniisip: Hindi namin kayo tatantanan!
No comments:
Post a Comment