In the past few weeks kasi, halos sunod-sunod ang itinatapon na salvage victims with corresponding messages like "Huwag akong tularan, Holdaper ako", o "Snatcher ako", o "Magnanakaw ako". Pero ano ba talaga ang implications nito?
- Nagsisimula na namang maghari ang mga vigilante at mga ala-vigilante. Ja-peyks ba para lang makakuha ng atensiyon.
- Kulang na ang tiwala ng mga tao sa criminal justice system.
- Puwede ring ang tingin ng ibang tao, wala nang justice system. Puro na lang kriminal.
- Usad-pagong ang ating mga pulis. Baka wala nang mga gasolina ang mga police cars na inisyu sa kanila.
- Usad-pagong pa rin ang mga pulis. Baka masyado na silang gutom at di na kaya ang mabilisang pagresponde sa mga krimen.
- Usad-pagong pa rin ang mga pulis. Kung hindi sila gutom, baka masyado naman silang busog kaya nahihirapang tumakbo. Sa AFP, milyones ang pabaon. Sa PNP kaya?
- May problema sa conviction rate. Tingin ng iba, makakalaya rin ang mga kriminal lalo pa at maliliit lamang ang krimen na nagawa nila. Yung malalaki nga na milyones ang involved at krimen pa laban sa bayan ang na-commit nakakapaglakwatsa pa at malayang nagmo-malling, di ba? At puwede pang kumandidato.
- May problema pa rin sa conviction rate. Ilang beses na nga bang na-deny ang efforts para malaman ang katotohanan simula pa nung impeachment processes kay Gloria Arroyo?
- Marami na talagang isnatser at holdaper kaya kailangang magbawas.
- Marami na rin ang mga taong walang magawa kaya yung iba, nang-iisnats na lang at yung iba naman nanghoholdap.
- Lalong marami ang mga taong walang magawa kaya yung iba, pumapatay na lang ng mga kriminal tulad ng isnatser at holdaper.
- Baka wala nang ibang puwedeng gawin dahil sa kahirapan.
- May over-production ng masking tape, panaksak, at mga sasakyan kung saan puwedeng ilulan ang mga salvage victims.
- Masyadong natutuon ang atensiyon natin sa malakihang krimen tulad ng plunder kaya kailangan ng diversionary tactic.
- Hindi kaya ng mga vigilante ang mga malalaking kriminal kaya doon na lang sila nakatutok sa maliliit.
Pero interesting na i-test statistically ang number of instances na may salvaging simula nang tawaging "pro-GMA" ang Korte Suprema. Interesting din na alamin ang epekto sa crime rate simula nang mapawalang-sala sina Hubert Webb sa Vizconde Massacre. Kaya lang, sino kaya ang maaaring gumawa? Volunteers, anyone?
No comments:
Post a Comment