Pero bakit nga ba talaga nag-Tagalog si Gloria? Let us count the ways:
- Mga bobo ang mga Pilipino. Hindi sila marunong umintindi ng Ingles. Kung sabagay, si Lito Lapid nga senador ng Pilipinas, hindi na lang umiimik sa Senado kasi baka mapalaban ng Ingles sa debate.
- Matatalino ang members ng US at international press. Multi-lingual sila tulad ni Rizal. Pero sabi kung gaano karami ang alam na lenguahe ni Rizal ganun din kadami ang girlfriends niya. Mga chick-boy din kaya ang mga members ng US and international press?
- Matalino si George Bush. Marunong siyang mag-tagalog. Ganun din kaya karami ang chicks ni George? Mas magaling ba siyang magtago ng chicks sa Oval Office as opposed to Bill Clinton?
- Me itinatago si Gloria. Kaya nagsalita siya ng tagalog dahil ayaw niyang maintindihan ni George. Baka ang pinagsasabi ng ale ay wala naman sa pinag-usapan nila ng presidente ng Amerika?