Sunday, March 09, 2008

In search for truth

San Fernando Archbishop Paciano Aniceto celebrated his birthday today with a mass with Gloria Arroyo and other government officials, including Pampanga Governor Ed Panlilio in attendance. In his homily, he reiterated the call of the CBCP for ora et labora (pray and work). As Aniceto said: If we really pray together, you cannot monopolize the truth. Truth begins in the heart, the sanctuary of our conscience.

Pero hanggang ngayon, di pa rin maayos kung ano talaga ang truth na hinahanap ng CBCP vis a vis the truth na hinahanap ng civil society at ang truth na ipinapanalangin din ng grupo ni Gloria. Tinanggal na ang fangless na EO 464. Ano na ngayon? Inamin na ni Gloria ang Hello, Garci! at ang anomalya sa ZTE. Ano na rin ngayon? Ba't wala pang aksiyon? Mukha atang mali ang sinasabi na: And you shall know the truth and the truth shall set you free. Hanggang ngayon kasi we are still un-free. Malabo pa rin ang mga bagay-bagay. Magulo pa rin ang lahat.

Kung sa bagay, it appears that the truth everybody seeks vary. While the civil society looks for the truth and the action or scenario beyond (i.e., matatangal ba si Gloria? Mapaparusahan ba siya? Marereporma ba ang Pilipinas?) the CBCP seems to be asking: Ilan pa kaya ang misa na gagawin at magkano pa kaya ang abuloy na tatangapin sa paghahanap ng katotohanan? At sa panig naman ni Gloria ang truth naman na hinahanap: Sino ba sa oposisyon ang may pakana ng lahat? At kailan ba sila titigilan ng oposisyon?

This being the case, no matter what ora et labora will be done, no God will listen. Why? Because everybody is praying a different thing. In simple terms, there is divisiveness... and chaos.

Kaso nga lang, devils have a motto and it goes: In chaos there is opportunity.

Pero teka, sino ba ang nakikinabang sa chaos ngayon? The Church which earns from conducting mass on both the anti-Gloria and pro-Gloria camps? O si Gloria na napapahaba lang ang pag-upo niya sa puwesto dahil di pa rin nagkakaisa ang mga Pilipino? But, if they benefit from the present chaos, sabi ng katabi ni Tikboy: Oh my Gulay! They must be .....

Random thoughts and GMA's latest disapproval rating

According to Pulse Asia:
Amidst the controversies hounding the incumbent national administration, around three in four Metro Manilans (71%) express disapproval for presidential performance while almost the same percentage of Metro Manilans (76%) distrusts President Arroyo. These figures are essentially the same as those obtained by the President back in July 2005 (68% and 72%, respectively) during which time ten members of her cabinet resigned and various groups and individuals called for her to step down from office at the height of the Garcillano wiretapping issue.


The highest disapproval rating came from the Philippines' socio-economic Class E with 80% and then the Class D with 73%. Classes A, B, and C has the greatest share of undecided respondents with 20%.

Medyo naiisip ko na ang mga sagot ng Malacanang: "Commissioned yan ng oposisyon" o "Hindi yan totoo". Pero ng bumaba ang self-rated poverty survey sabi ng Malacanang "Tunay yan". In simple terms kung paborable sa palasyo, tama ang survey pero kung hindi, it's either commissioned by the opposition or untrue.

Pero aminin man natin o hindi, kahit 20% ang margin of error ng survey, majority pa rin ang ayaw kay Gloria. O kahit sumakay ka lang ng jeep, maririnig mo ang mga reklamo ng mga tao at masasabi mo rin na talagang marami na ang ayaw sa nakaupo sa palasyo. For instance, ilang beses bang nagtaas ang pamasahe sa pitong taon niyang panunungkulan? At ilang posiyento ba ang itinaas? Naalala ni Tikboy, P2.50 lang ang pamasahe noon ng umalis si Erap. Pero ngayon, minimum fare ay P7.50 na. Dagdag din ang itinaas ng mga bilihin...

Ang pinakamalala, sabi ni Mang Pedro, "Ginawa kaming mga loko-loko. Ibinoto namin si Fernando Poe, ng binilang ay Arroyo."

Pero okay lang po. Nasa demokrasya pa rin tayo at sa demokrasya, mas malakas ang bilang ng mga may pera. Kaya nga lalong malapit ngayon ang Pilipinas sa China.

Saturday, March 08, 2008

Goodbye, presidential seat!

Me kasabihan: Huli man daw at magaling ......... huli pa rin.

Finally, Vice President Noli De Castro is now open to talks with the anti-GMA forces for the ouster of his lady boss. Kaya lang marami ang nagtataka, pagtataka na meron pang soundtrack ni Ogie Alcasid na "Bakit ngayon ka lang?".

Bakit ngayon nga lang ba si Noli nagsalita after those dark days and lonely nights? Let us count the ways:


  1. Malapit na ang 2010 presidential elections. And his stints in politics is just new: three years in the Senate, four years as vice president. Ano nga ba naman ang panama niya kay Manny Villar na maliban sa pagiging public official in appointee position,naging congressman pa ang ST, Speaker of the House, Senador at Senate president? At ano rin ang panama niya kay Mar Roxas na naging appointed public official at Cabinet Secretary, naging consultant pa sa ilang malalaking organisasyon public man yan o private bago naging senador? Si Erap nga naging mayor muna bago naging presidente.

  2. Malapit na ang 2010 presidential elections. Lahat ng makakalaban niya na lumulutang na ngayon me mga partido na susuporta. Siya? Siya po ay isang independent lamang at taga-sunod kay Gloria. Si Erap nga, bago naging president kahil 3 taon lang, meron ding LAMMP maliban sa ngayon ay party-list na PMAP. At andiyan din ang UNO na kahit papano ay pinakinabangan din ng ousted president. Siyempre, kailangan din ni Noli ng partido at makukuha niya lamang ito kung me pang-leverage siya. At ito ang pagiging presidente ngayon kung matanggal si Gloria.

  3. Malapit na ang 2010 presidential elections. At wala siyang masyadong malaking pera to finance his campaign. At nakita niya, mapera pala sa gobyerno lalo kung nasa langit ka, este, nasa pinakamataas na posisyon. Kung ayaw mo na humingi sa America, puwede kang mangutang sa China o ibenta ang ilang pulo sa Spratlys.

  4. Ang masaklap, malapit na ring mawala si Gloria. At ang isinusulong ngayon, Resign All!. Inaantay na lang si Chief Justice REynato Puno na sumagot ng matamis niyang "oo". At tingin naman ng halos lahat na sector at ng iba-ibang political spectrum from Left to Right, ok naman si Puno. Walang negatibong record. Kahit ang kampo nina Villar at Roxas, payag din. Ngayon, kung resign all ang mode, paano pa si Noli? Balik sa TV? At paano pa ang pangarap niya na maging presidente, pangarap na nabuo lang ngayong huli?


Si Charming na anak ni Aling Maring, niligawan ni Pido. Nagpakipot ng nagpakipot kaya hayun, tumandang dalaga. Ang Pido naman, meron ng asawa. Ganito rin ata ang magiging kapalaran ni Noli?