Monday, February 20, 2006

Finding an Excuse not to Attend the EDSA Commemoration

Gloria in the Palace was looking for excuses not to attend the commemoration of EDSA people power this coming February 22-23. And many are asking why. Here are the reasons:

1. Many of those who will attend the EDSA Commemoration are youth who drink cherifer and growth balls. Baka daw di na makita si La Gloria.

2. Takot si Gloria in the Palace na magka-stampede. Baka siya naman ang sisihin ng ABS-CBN.

3. The possibility that the EDSA commemoration will lead to People Power 4 is not remote. Takot siyang wala ng ia-oust sa Malakanyang kung kasama na siya sa rally. Paano pa ang dramatic exit? Si Marcos nga kinuha ng chopper at si Erap me speedboat. Dapat siya rin, meron.

4. There is also a possibility that the commemoration will go along with the coup d' etat. If this is the case, how can she hid under the bed kung nasa rally siya? Sa ilalim ng trak? Yakkk!!! Grabe ang grasa dun. Kadiriiiii!!!!

5. Most of all, she is trying to evade the commemoration because of the one and only reason that troubles her mind. Ano nga ba talaga ang iko-commemorate eh wala namang pagbabago na naidulot ang mga people-people power lalo na ng palitan niya si Erap? Oo nga. Ano nga ba?

Buti pa si Gloria in the Palace nag-iisip. Itong mga organizers ng commemoration ek-ek hindi. Mga bopols!!!! blah, blah, blah!


In her stand not to join the EDSA, there are jokes that flourished. Along with these are as follows:

Joke 1. Ang mga operators daw ay nag-cloud seeding sa Leyte kaya umulan ng malakas at ayun, nag-land slide. Para naman ma-bury ang isyu against the government. Ang kaso ang na-bury ay mga tao.

Joke 2. Actually daw, noon pa mang DENR Sec pa si Mike Defensor naka-schedule ang ouster, este, landslide. Pero pina-delay muna ng konti hanggang sa makaalis siya at maging chief of stuff, err...staff ni Gloria in the Palace. Baka kasi mapatunayan na namang sinungaling siya tulad ng minsan niyang iprinesenta ang audio expert na hindi naman pala pabor sa kanya.

Joke 3. Sabi, kasama rin sa delay ang Jamby factor. Baka daw kasi banatan na naman si Mike Defensor ni Jamby.

Joke 5. Pagkatapos na nang joke 4.

Ang hindi joke: Nakikiramay po ang Snippets sa mga nasalanta ng landslide sa Leyte. Ang mga gustong tumulong, puwede po naming i-connect sa mga ahensiya na hindi kontrolado ng gobyerno ngunit taos-pusong gumagawa para sa mga tao. Paki-post na lamang po sa comments section ng blog na ito ang detalye kung paano kayo makontak. Salamat po.

No comments: