Gloria in the Palace declares State of Emergency at the height of EDSA 1 commemorations. The questions are: WHICH STATE? WHAT EMERGENCY?
***
BUT EARLIER, Gloria in the Palace declared that she is the best president who can lead the country. If she is the best president, why on hell are people rallying against her? And why on hell are military personnel withdrawing their support from her administration?
Or maybe what she meant is that SHE IS THE WORST PRESIDENT WHO CAN LEAD THE COUNTRY!!!
Sabagay, ilang beses na nga bang kabaliktaran ang ibig sabihin ng kanyang mga sinasabi. Remember the words: I WILL NOT RUN FOR PRESIDENT? (Pssshhhhhhhhhwwwwwrrkkkk!)
***
Back to top, err, State of Emergency.
Meron bang me sakit? Manganganak na ba si Miss L at may emergency? O si FG, inatake na ba sa puso? Until now kasi I cannot understand. Paano nagkaroon ng ganun eh "da best" president nga itong si Gloria in the Palace?
Pag da best president ba eh emergency na iyon?
***
Sa state of emergency ulet.
Nung isang araw, si Mang Dukgo nasapol sa ulo. Si Tiyang Gyum naman, nabasa ng tubig na galing sa bombero. Pareho silang sumama sa rally. Eto ay dahil sa State of Emergency. Pag State of Emergency ba ganito dapat ang pangyayari? Me mga nabubukolan at may mga pinapaliguan?
***
Pero sabi ni Gloria in the Palace, ang purpose daw ng State of Emergency ay para labanan ang mga nangugulo. Ganun ba? Bakit di niya nilabanan ang mga pulis? O kaya ang mga adviser niya na gumugulo sa kanyang utak? Bakit ang mga nagrarally pa? Nanggugulo ba ang mga nag-rarally? Andun nga lang sila sa EDSA ah. Pangugugulo ba ang pag kumemoreyt ng EDSA 1?
***
Teka, di ba mga pulis din ang nagteyk-ober sa Tribune? Na kunyari ay hindi alam ng Malakanyang? Sino ngayon ang nangugulo?
Hep! O baka sabihin niyo nangugulop rin si Tikboy? Gusto niyo ring i-teyk-ober ang blogspot? Kayo ha? Gawa na lang kayo ng sarili noyong blog. Kaya nilalangaw ang website ng gobyerno kayo pala ang nangugulo.
***
Pero di nga raw talaga alam ng Malakanyang ang pagteyk-ober sa Tribune. Kung ganun nga, sino ang nag-utos sa mga miyembro ng CIDG na nagsagawa ng raid? At sino naman ang nag-utos sa nag-utos sa mga miyembro ng CIDG... and ad infinitum?
KUNG DA BEST PRESIDENT NGA TALAGA SI GLORIA IN THE PALACE, BAKIT DI NILA ALAM ANG NANGYARI SA TRIBUNE? Pakipot pa kayo!
***
Pero ito ang malala. Me State of Emergency raw. Eh, ba't nag-malling pa si Gloria in the Palace kahapon sa Market-market? At ba't pa siya pa-cute sa press kanina habang nagsisimba siya sa Malate?
Last, kung me state of emergency nga, BA'T SINASABI NG MGA SPOKEPERSONS NG MALAKANYANG NA UNDER CONTROL ANG SITWASYON?
***
O baka natataranta si Gloria in the Palace sa paghahanap ng rason para di talaga dumalo sa EDSA 1 commemoration? O baka naman feel niya nasasapawan na siya ng isyu ng landslide sa Leyte at sa mga planong pagra-rally? So, para naman dramatic, padekla-deklara pa siya ng state of emergency.
***
O baka ganito lang talaga ang state of emergency. Puwede rin kayang mag-declare din ako ng state of emergency para naman mapansin din ako? At para naman dramatic, di ba?
Hmmnnnn!
No comments:
Post a Comment