"Just like America."
This statement bests describe the administration of Aling Gloria as she tries to project that her government is also a power-that-be. Mantakin niyong mag-utos ang ale na: "I have specified a timeline -- three years -- to end armed rebellion in the Philippines.” Galeng di ba? As if ang choppers ng AFP ay di bumabagsak pag inaabutan ng hangin. As if ang ulo ng mga marines ay ulo lang ng teddy bear na kinatay ni Biboy. As if kaya nga talaga. Hanep, di ba?
Dagdag pa: We too will fight back and repel the incursions of insurgency and terrorism. We will not stop until the bandits find no more nook to hide in the land they have blighted and no sanctuary to seek from the people they have terrorized and used as shields.
Galing! Paano na nga ba nakuha ang pari na na-kidnap a few weeks ago? May nakakaalala pa ba?
Sabagay, ever since naman, trying hard copycat ang Pinas at ang ale. At the brink of collapse, Bush declared war against Afghanistan and Iraq kaya natalo si Kerry. Sabi nga sa film ni Jackie Chan na Rush Hour 3, war freak ang mga kano at parang di sila kano kung walang giyera. So Gloria tried to copy that. Ang problema, mukhang di swak ang script sa totoong mga pangyayari. Ano ang ibabala sa mga baril ng mga sundalo, laway? O gagawa na naman kayo ng excuse para dagdagan ang budgetary allotment sa AFP? At budgetary allotment din sa intelligence funds? Hmmmnnnn.....
One time, nahuli si Tikboy ng prof niya na nangongopya during exams. Even then, di ito pinahiya ng prof. Nang i-release ang result ng exams, negative ang resulta ni Tikboy so he asked his prof why. Sagot ng prof: Mangongopya ka na nga lang mali pa? So dahil dalawang beses ka nagpalpak, negative ang binigay ko sa iyo.
Similarly, nangongopya na nga si Aling Gloria, mali pa ang kinokopya. Ba't di na lang tularan ang Switzerland? O kaya ang mga free country sa iba't ibang lupalop ng mundo? Ang Japan? Sila, walang masyadong focus sa giyera. Focus nila, paano pagsilbihan ang mga constituents nila at ma-satisfy ang gusto ng mga ito. Similarly, if Gloria will focus on social welfare and poverty alleviation, nobody will be thinking of fighting for food and joining the terrorist for the sake of income. And nobody will go to the streets and shout their grievances. Di ba malinaw ang kasabihang "Don't talk when your mouth is full"? Ibig sabihin, kung busog ang mga tao, nobody will cry foul and nobody will want her ouster.
No comments:
Post a Comment