Tuesday, August 21, 2007

Piracy traffic and Jakie's Rush Hour 3

One sad news: Jacky Chan's 'Rush Hour 3' performs poorly in Hongkong
Another sad news: Piracy devoured Chan's movies.

Even in the Philippines, the streets are crowding with clear and not-so-clear copies of Rush Hour 3. Paano naman po, ang mahal ng sine ngayon. Nag-evolve na sana ang mga tao from radio drama and comics to movies pero eto, ang mahal na rin ng sine. Swerte ni Tikboy dahil ang kapitbahay niya ay nagyayabang na pamangkin ng isang miyembro ng VRB (now Optical Media Board) raiding team kaya hayun, laging may supply. At ang buong barangay, happy-happy ang buhay. Libreng DVD (pronounced as "deebeedee" sa may kanto ng Quiapo at sa may Divisoria) disk na pirated, me kasama pang DVD player na pirated din. Galing daw yun Hongkong. Tseng-wawa kasi ang brand.

Pero teka, ba't ganun? From VRB tapos me pirated DVD and VCD disks? Kala ko ba sinisira nila ng lahat ng makumpiska? Tulad nung magagarang sasakyan sa may Subic na sabi winasak ng wala ng makina? Ba't ang magagandang kopya nasasalin sa kamay ng iba? Kasama siyempre ang kay Francine Prieto na pelikula. Kuya Edu, bakit nga ba?

Ewan. Basta ang alam ko, somebody named Kautilya once said: Just as it is impossible not to taste a bit of honey that passes through one's tongue so it is impossible not to taste a bit of money that passes through one's hands. Siyempre kasama na dun ang deebeedee. And this simply means super serious ang gobyerno ni Aling Gloria sa paglansag ng piracy with Edu on the front. Kaso nga lang, to err is human kaya ang ilang duling sa VRB nalalagpasan na sirain ang ilang magagandang kopya.

Pero seryoso, kahit patawa ang Rush Hour 3 ni Jackie, me message dun na patama kay Bush at sa mga kaalyado nito -- ang mensahe ng taxi cab driver (Yvan Attal as George) sa France na sobrang war freak ang mga Kano at ang kaya lang ng mga ito ay ang mga maliliit na bansa tulad ng Iraq, Afghanistan, at iba pa. Kaya nga sabi ng driver ayaw niyang maging Kano. Pero di dun nagtapos, later inambisyon niya na maging American Spy dahil gusto niya ring pumatay ng tao for free.

But who will notice Attal's words? Tumagos kaya ito sa puso at utak ni Aling Gloria? Mukhang Hindi, no? Kasi sabi niya: We won't back down versus the Abu Sayyaf. Galing, di ba? Pero ba't Abu Sayyaf lang? Ang laban against piracy, nag-back down na ba? Kasi ang kapitbahay ni Tikboy nagpapahiram na naman ng The Bourne Ultimatum.

Pagkatapos mo Tikboy, pasa mo sakin ah?

No comments: