When Gloria Arroyo filed her certificate of candidacy for district representative in Pampanga, nahulog sa upuan si Aling Tanya. Siya kasi dating presidente ng Santa Krusan sa Sampaloc. Nang gusto niyang kumandidato ulit kasi mas napapalapit daw siya sa Diyos, pinagbawalan siya ng kanyang mga kapitbahay. Dapat daw, pagbigyan naman niya ang iba para pantay-pantay at hindi lang siya ang maaaring makalapit sa Diyos.
Pero dahil nag-file si Gloria, at puwede naman daw, nangangalaiti ngayon si Aling Tanya. Dapat siya, pinagbigyan ding umulit. Dapat tanggalin si Aling Jenna na pumalit sa kanya. Tulad ng pagtanggal kay Jonjon Mendoza na papalitan ni Obet Pagdanganan bilang gobernador ng Bulacan. Kasi matalino si Aling Tanya. Dahil sa kanya humaba ang sagala... humaba dahil sa traffic. Dahil sa kanya, natuwa ang mga pari at obispo ng parokya. Nagkaroon kasi ng maraming pa-raffle, parang PAGCOR. Me palabunutan din ng numero. Parang jueteng. At malaking porsyento ng kita sa mga pasugalan, este, income generating projects ni Aling Tanya, napunta sa Simbahan. Dagdag pa diyan, yung mga kapitbahay niyang mahihirap, napilit niyang mag-donate o magpintura para sa sagala. Sino ba naman ang di matatakot na sabihan na kung hindi tutulong ay di makakapunta sa langit.
Ang problema, si Aling Jenna, matalino rin. Kaya nga siya nanalong presidente. At ito rin ang dahilan bakit nangangalaiti si Aling Tanya. Sa Pampanga kaya may mga matatalino rin? Kasi tatakbo ulit si Gloria dun na para bang siya na lang ang magaling. Kung si Gloria na lang ang magaling, ibig sabihin, kawawa ang mga Kapampangan. Paano na sila pag wala na si Gloria?
No comments:
Post a Comment