Thursday, May 20, 2010

Midnight Deals

The midnight deals are one of the reasons why Erap Estrada was ousted. The midnight deals are also one of the reasons why Gloria Arroyo was able to become the Philippine President starting 2001.

It appears, however, that Mrs. Arroyo forgot the reason why she became the sitting-President. She also had her midnight glass ... err, class ..., err, deals this time by appointing officials like Chief Justice Renato Corona near the end of her term.

Understandable naman bakit kailangan ni Mrs. Arroyo na mag-engage sa midnight appointments. May mga nilalang talaga na, sabi nga sa kanta, "don't wanna miss a thing". Kasama na diyan ang mga buwitre na kailangan talagang mag-take advantage ng situation otherwise baka sila magutom. Ganun din ang mga bampira na dahil pahirapan maghanap ng biktima, would not want to miss a droplet of blood from their victims. Malay natin, takot lang talaga si madam na maubusan din ng makakain pag dating ng panahon na sunod-sunod na ang kaso laban sa kanya. O kaya baka rice and noodles na lang ang makuha niya dahil nailit na ang kanilang mga ari-arian.

Buti kung nanalo si Erap. At least puwedeng sabihing reciprocal ang obligations. Binigyan niya si Erap ng pardon kaya ipa-pardon din siya. Sabi nga ni Aling Rosing: Kung ang sabi ni Erap ay weather-weather lang yan, iniisip ni GMA na pardon-pardon lang yan!

Teka, ano ba to, biru-biruan?

No comments: