Thursday, October 21, 2010

From Karitoon Classroom to Learning Center

After a year of having been declared as CNN hero of the year, awardee Efren Penaflorida is now into showbiz. He is hosting Ako Mismo program in TV5 and yesterday, was into pictorial for a CD album "For a Better World", PEP reports.

But he did not totally left his advocacies on education. From Karitoon Classrom in Cavite, Efren and his buddies are now building a learning center for the kids.

Buti naman at may improvement na. Sana tuloy-tuloy na ito. Pero teka, di kaya naiinsulto dito si Gloria Macapagal Arrovo... err, Arroyo? Sabi niya before she left, kumpleto naman ang classroom for the education sector. Covering nga lang 120 students per classroom ... o class hall? Kasi ang alam kong classroom mga 30 max lang ang estudyante. Kung hall, puwedeng 120. Pasok din yun sa gymnasium o kaya coliseum.

Pero sabi primary concern daw ng P-Noy Administration ang education. Kaya nga dadagdagan ng 2 years ang basic education ng mga Pilipino. Sana dagdagan din ng classroom. Di ba Bro. Armin Luistro? Kasi kahit 10 years pa ang idagdag sa basic education kung lahat naman ay matututo sa ilalim ng punong mangga o kaya sa may kariton, dagdag-pahirap lang yun sa ating mga kababayan. Not unless.... gusto pa nating magkaroon ng marami pang Efren Penaflorida. Pero di ba insulto yun sa mga Pinoy at sa kasalukuyang administrasyon?

No comments: