Saturday, October 09, 2010

Rico Puno, puno ba nang bunga?

A Pilipino saying goes: Binabato ang puno na hitik sa bunga.

So it appears. Literally and figuratively as Undersecretary Rico Puno claims that "five groups including one led by Local Government Secretary Jesse Robredo are working to have me ousted." The others are: the Balay group (those pushing for Noy-Mar tandem in the 2010 elections), the Samar group (those pushing for the Noynoy-Binay tandem in the May 2010), one composed of people interested in his post, and another affiliated with former President Gloria Macapagal-Arroyo.

Pero teka, mukhang hindi nga lang talaga binabato si Puno. People are out to get his head axed or at least his ass kicked out from the DILG. Paano ba naman, palpak na nga sa hostage-taking, ayaw pang manindigan laban sa jueteng. He even boasted na marami ang lumalapit sa kanya na jueteng lords para kausapin si P-Noy. Pero nang tinatanong sinu-sino ang mga ito, bigla ba namang kambiyo. Todo defense na sa mga kausap niya.

Kung sabagay, okay naman yung pag-defend niya kasi ibig sabihin, tunay nga siyang kaibigan. Ang kaibigan niya, pino-protektahan niya kahit pa siya ang madiin. Hindi tulad ni GMA na iiwanan na lang basta ang kaibigan huwag lang maipit. Kaya lang di ba dapat, the loyalty to one's self (or friends) should end when the loyalty to the country begins?

Pero since the loyalty of Puno to his friends never end despite the fact na kailangan na ang loyalty niya sa kanyang bansa, hanggang kaibigan material lang talaga siya. Hindi government material, di ba? At dahil hindi siya government material, di siya bagay sa kanyang puwesto at tama nga ang mga grupo na gusto siyang palayasin sa kanyang puwesto.

Pero USec, pag pinalayas ka, friends tayo ah? Kasi mas bagay ka na friend kesa government official. Tapos, hingi ako ng balato sa jueteng ah? Di ba, dapat nagsi-share and that's what are friends for?

Labh yeowhpoewh...
PEACE!

1 comment:

grazilda said...

imposibleng mapalayas yan.pinoproktektahan nga ng beast friend niyang president..heller president kaya beast friend niya.pano palalayasin ni abnoy yan e bukod sa beast friend sila, si puno ang window o pinto niya sa corruption.eklat lang ni abnoy yang walang mahirap kung walang corrupt. Tama, pero sinabi ba niya na hindi rin siya mangungurakot after nung manalo na siya? ginamit niya nga lang "relasyon" kuno kay shalani para hindi mahalatang abnoy tlaga siya.ni hindi niya kayang mag asawa..kaya ba niyang paninidigang maging presidente? nauto na naman mga pinoy.