Showing posts with label jueteng. Show all posts
Showing posts with label jueteng. Show all posts

Saturday, October 09, 2010

Rico Puno, puno ba nang bunga?

A Pilipino saying goes: Binabato ang puno na hitik sa bunga.

So it appears. Literally and figuratively as Undersecretary Rico Puno claims that "five groups including one led by Local Government Secretary Jesse Robredo are working to have me ousted." The others are: the Balay group (those pushing for Noy-Mar tandem in the 2010 elections), the Samar group (those pushing for the Noynoy-Binay tandem in the May 2010), one composed of people interested in his post, and another affiliated with former President Gloria Macapagal-Arroyo.

Pero teka, mukhang hindi nga lang talaga binabato si Puno. People are out to get his head axed or at least his ass kicked out from the DILG. Paano ba naman, palpak na nga sa hostage-taking, ayaw pang manindigan laban sa jueteng. He even boasted na marami ang lumalapit sa kanya na jueteng lords para kausapin si P-Noy. Pero nang tinatanong sinu-sino ang mga ito, bigla ba namang kambiyo. Todo defense na sa mga kausap niya.

Kung sabagay, okay naman yung pag-defend niya kasi ibig sabihin, tunay nga siyang kaibigan. Ang kaibigan niya, pino-protektahan niya kahit pa siya ang madiin. Hindi tulad ni GMA na iiwanan na lang basta ang kaibigan huwag lang maipit. Kaya lang di ba dapat, the loyalty to one's self (or friends) should end when the loyalty to the country begins?

Pero since the loyalty of Puno to his friends never end despite the fact na kailangan na ang loyalty niya sa kanyang bansa, hanggang kaibigan material lang talaga siya. Hindi government material, di ba? At dahil hindi siya government material, di siya bagay sa kanyang puwesto at tama nga ang mga grupo na gusto siyang palayasin sa kanyang puwesto.

Pero USec, pag pinalayas ka, friends tayo ah? Kasi mas bagay ka na friend kesa government official. Tapos, hingi ako ng balato sa jueteng ah? Di ba, dapat nagsi-share and that's what are friends for?

Labh yeowhpoewh...
PEACE!

Monday, September 27, 2010

What are we jueteng for?

The frogs are croaking. Sec. Rico Puno is now in hot water while Senator Miriam Santiago had her well-thought jueteng equation. Of course, Mona Lisa senator, Lito Lapid, is to the rescue saying his kabalens Bong and Lilia Pineda are not jueteng operators. We heard this during the time of Gloria Arroyo and we are hearing it again. Anyway, the latest winning number combination according to whispering spirits is 11-23.

Chavit Singson is also on the limelight as Santiago said the governor is a jueteng operator. The problem is: Santiago is not offering evidences to pin Singson and the other names she dropped. Kaya nga tanong ni Sen. Cayetano (sino na nga yun? yung lalaki? Marami na kasi sila - 2 sa senado and earlier meron sa Kongreso): What are we jueteng for?

Ano na nga ba ang ginagawa natin? We have names, we conducted investigations, the police has a list .. and we are pissed. Sino na nga ba ang nakulong? Kahit si Erap na nasipa sa puwesto dahil sa jueteng kuno ay ayun, kumandidato pa at nag-ikot pa sa bansang Pilipinas. What are we jueteng for nga ba talaga?

Tuesday, September 14, 2010

Jueteng

Both the House of Representatives and the Senate are rushing to conduct an investigation on the alleged recipients of jueteng payola. Are they serious on curbing the illegal numbers game or are they just curious on who gets how much?

Sabi ni Aling Munding, mukhang may ilang opisyal ang interesado sa congressional inquiry para malaman kung tama lang ang kanilang nakukuhang payola. Matapos daw kasi nung eleksiyon ay nasaid na ang kanilang mga bulsa. Ang iba nga, nagtatago na sa kanilang mga pinagkakautangan eh palapit na nang palapit ang pasko. Wala na ring choice kasi inubos na nang administrasyong Arroyo ang pera ng gobyerno. Totoo kaya ito?

Pero ang nakapagtataka, ayaw pang pangalanan ni Archbishop Oscar Cruz ang mga opisyal na tumatanggap ng payola. Ang sabi ni Archbishop, "Bakit ko sasabihin? Hindi ba nila alam? Eh, sila itong may malaking intelligence funds na ni hindi nga ina-audit?"

Sabagay, tama naman ang Arsobispo. Pero tanong lang: Saan pong intelligence funds: Yung galing sa gobyerno o galing sa jueteng payola?

Pero naniniwala si Chipipot. Kaya daw ayaw sabihin ni Archbishop yung mga pangalan ng mga opisyal ng gobyerno ay baka mapilitan din siyang sabihin yung pangalan ng mga taga-Simbahan na tumatanggap ng jueteng.

Nakowww!!!