Tuesday, September 14, 2010

Jueteng

Both the House of Representatives and the Senate are rushing to conduct an investigation on the alleged recipients of jueteng payola. Are they serious on curbing the illegal numbers game or are they just curious on who gets how much?

Sabi ni Aling Munding, mukhang may ilang opisyal ang interesado sa congressional inquiry para malaman kung tama lang ang kanilang nakukuhang payola. Matapos daw kasi nung eleksiyon ay nasaid na ang kanilang mga bulsa. Ang iba nga, nagtatago na sa kanilang mga pinagkakautangan eh palapit na nang palapit ang pasko. Wala na ring choice kasi inubos na nang administrasyong Arroyo ang pera ng gobyerno. Totoo kaya ito?

Pero ang nakapagtataka, ayaw pang pangalanan ni Archbishop Oscar Cruz ang mga opisyal na tumatanggap ng payola. Ang sabi ni Archbishop, "Bakit ko sasabihin? Hindi ba nila alam? Eh, sila itong may malaking intelligence funds na ni hindi nga ina-audit?"

Sabagay, tama naman ang Arsobispo. Pero tanong lang: Saan pong intelligence funds: Yung galing sa gobyerno o galing sa jueteng payola?

Pero naniniwala si Chipipot. Kaya daw ayaw sabihin ni Archbishop yung mga pangalan ng mga opisyal ng gobyerno ay baka mapilitan din siyang sabihin yung pangalan ng mga taga-Simbahan na tumatanggap ng jueteng.

Nakowww!!!

1 comment:

Anonymous said...

mahinang magbigay abuloy sa simbahan mga napangalanan.