I did my bestWe can't blame him naman. He really did his best as he claims and we can do nothing naman talaga kung yun lang ang kaya. Kung sabagay, nagpa-impluwensiya nga siya kay Mayor Alfredo Lim sa pag-handle ng sitwasyon kaya let's not blame him for the total wreck. Wala nga talaga siyang alam kahit ano'ng piga natin. Kahit nga yung kotong cops diyan sa may Lagusnilad di niya alam kung di pa na-"hindi ko kayo tatantanan" ni Mike Enriquez sa Imbestigador. Ano ka, P300 din yung nakuha kay Igme, ah! Buti si Tikboy nagtanong ano violation niya at lahat ng sabihin ng kotong cop, nabara. Si Igme kasi nagmamadali. Mantakin ba namang P500 ang pera niya binigyan pa nang sukli? (Teka, me share kaya dito si Gen. Magtibay? Papaano niya natustusan ang kanyang pagiging general kung ganun? Maliban na lang kung nakinabang siya sa Euro-general money.)
But I guess my best wasn't good enough
'Cause here we are back where we were before
Seems nothing ever changes
We're back to being strangers
Wondering if we oughta stay
Or head on out the door
Pero dahil wala siyang alam, papaano ba siya naging heneral? Nagbayad din ba siya tulad nung mga driver na dumaan at nakotongan sa Lagusnilad? Posible. Kaya heto ang ebidensiya: Walo ang patay di pa kasama ang hostage-taker sa bilang kasama nang ilan pang sugatan. At mukhang naghihingalo na rin ang relasyong-pulitikal at pang-ekonomiya ng Tsina at Pilipinas. Lima ring OFW ang nakatakdang pugutan ng ulo dahil sa sentensiyang death penalty na posibleng revenge ng China sa 5 rin nilang national na napatay. Dahil dito, puwede pa ba tayong kumanta niyan ng "Just Once"?
Ewan.
No comments:
Post a Comment