Monday, August 30, 2010

The mysterious caller and the deterioration of the hostage-taking negotiations

After pointing at the media as a cause of the agitation of Capt. Rolando Mendoza to shoot his hostages, fingers are now being pointed at the mysterious caller or callers of the hostage-taker. According to government officials, Mendoza's cellphone was busy that the negotiatiors could not anymore contact him after he fired his gun.

While it may be true that the mysterious caller is a cause, we can trace the original problem to the intelligence of the ground commander. Nung na-lowbat ang cellphone ni Mendoza, bakit di na lang siya binigyan ng cellphone na ang mga negosyador lang ang nakakaalam ng number? Tingin ni Tikboy, nagbibigay ng opening si Mendoza para sa resolution ng problema kasi kung gusto nga talaga niya mag-charge, puwede naman sa bus. Sabi nga ng mga nabuhay na biktima, wala namang plano si Mendoza na patayin sila (mga hostages). Kaso, masyado nga lang talagang matalino at matibay si Gen. Magtibay. Siyempre, dahil nagpatong-patong na ang problema tapos gutom pa, siyempre kukulo ang tiyan at iinit ang ulo.

Sabi nga ni Aling Toyang na labandera ni Mam Alice na asawa ng pulis, kumukulo ang tiyan niya pag gutom siya kasama na ang ulo at dugo. Kaya dapat daw, pinadalhan na lang ng pinadalhan ng masasarap na pagkain si Mendoza at ang mga hostages. Imposible naman daw gumastos ng P300 thousand sa pagkain lang kesa naman gumastos ng halos P3 million para sa mga kabaong. Kung hindi nagutom si Mendoza at ang mga hostages, baka nagkaroon pa ng maayos na ending at ang drama baka maging komedi pa. Sa sabihin ng mga taga-Hongkong, "Punta ako ng Pinas para magpa-hostage kasi masarap ang buhay-hostage dun. Busog." O di ba, dadami pa ang turista?

No comments: