As expected, the Manila police defended the handling of yesterday's Manila hostage crisis. Inquirer reported that "Manila police commander Leocadio Santiago said his personnel had made the correct decision in allowing the stand-off to drag on for more than 10 hours before storming the bus on Monday."
Along with this, Santiago admitted "some obvious shortcomings in terms of capability and tactics used, or the procedure employed and we are now going to investigate this".
Pero nalimutan ni Santiago at ng ground commander na sa shortcomings, nakapusta ang buhay ng mga tao lalo na nang mga hostages. With their shortcomings, na-shorten din ang buhay ng mga nasa loob ng bus maliban sa ilang hostages na nakaligtas. The words of Santiago in an interview is very clear: "But when the driver escaped and reported that he (Rodolfo Mendoza, the hostage-taker) has started killing the hostages, that was the time that the ground commander decided to assault the bus." (Emphasis supplied.)
Malinaw. HE HAS STARTED KILLING THE HOSTAGES. Ibig sabihin, di pa patay lahat. Ibig ding sabihin, may mga buhay pa and storming the bus with bullets and flash bombs and teargas would certainly complicate the situation.
Ikalawa, magtatapon ng teargas eh wala nga silang gas mask? Siyempre di rin agad papasok ang assaulting team dahil aantayin nila na mawala muna ang bisa ng tear gas. Kung magkagayon, siyempre, makakarecover na rin si Mendoza.
Ikatlo, hindi ba nila tinanong muna o tinawagan ang may-ari ng tourist bus o kaya ang manufacturer nito para alamin ano ang mga features nito, saan mahina, saan ang mga bukasan, gaano kalakas ang salamin, at iba pa? Imagine, 10 hours tapos walang ganitong impormasyon? Well, di kataka-taka na palpak ang mga rumesponde lalo na ang ground commander na walang kontrol sa pangyayari. Kaya hayun, ang mga crude na gamit tulad ng maso at kable ay useless.
The PNP says na isa sa shortcomings ay ang kakulangan sa gamit. This may be hard to accept. Me pang-travel-travel nga ang mga Euro Generals sa Moscow at sa ibang bansa, at kasama pa ang kanilang mga pamilya courtesy of the PNP money, tapos walang pambili ng mga gamit kahit gas mask lang?
Sabi ni Von: Nakowww!
No comments:
Post a Comment