Tuesday, September 28, 2010

Lapid and his School Bags Law

Mona Lisa senator, Lito Lapid, passed a bill prohibiting the overloading of the school children's bags. Numbered as Senate Bill 2179, the bill proposes to
limit the maximum load of schoolbags to 15 percent of a student’s body weight. Schools should provide weighing scales to implement this regulation. He also proposed that schools provide more lockers and buy thinner and lighter textbooks.
The reason: Lapid doesn't want other kids to experience what he did when he carried heavy woods and sugarcane in his younger years that instead of growing 5 feet 11 inches, he only grew 5' 9".

Lapid's bill was countered by DepEd Secretary Armin Luistro saying there is no need for a law on that. Nasa discretion na yan ng mga magulang at siyempre, ng school officials. Which is correct. Dahil sa kakulangan ng school buildings at teachers, kailangang wala nang uwian at tapusin na nang mga bata from 6AM to 12NN ang kanilang mga subjects na dapat ay from 8AM to 11AM, at 1PM to 5PM. Ibig sabihin, kailangang dalhin nila ang kanilang mga gamit at wala nang uwian para ma-maximize ang oras.

Sa halip sana na schoolbags overloading ang tinumbok ng kawawang senador, nagpasa na sana siya ng batas na mage-ensure ng quality education sa pamamagitan ng pagbibigay ng: tamang oras at hindi long shifts, dagdag na school rooms at hindi lang lockers, matino at kumpletong mga textbooks hindi panipisan ngunit walang kalidad na laman, at de-kalidad na mga guro. Siyempre, dapat gumawa rin siya ng batas na nagtatakda ng dagdag na pondo para sa edukasyon.

At sana rin, sa halip na schoolbags ang tinumbok ng kawawang senador, sana yung batas na lang na nagtatakda ng matinong employee performance evaluation system at automatic kick out policy sa mga nagtatrabaho sa gobyerno na may poor performance. Lalong lalo na sa mga teacher sa rural areas na ang ginagawa sa mga estudyante nila ay pinapag-linis ng bakuran ng paaralan at pinapag-bunot ng damo. At ang pinakasimple, sana nagpasa rin siya sa ethics committee ng Senado ng resolution na ang mga Senador na kakaunti o kaya walang quality na naipasang bills ay bigyan ng parusa sa pamamagitan ng pagkaltas sa kanilang suweldo at pag-a-allocate ng pera para sa mga paaralan.


Kaso, kawawa talaga itong si Senador. Kung feeling niya kulang pa rin siya sa height, mas matindi ang kakulangan niya sa buhay: talino o kahit common sense para makagawa naman siya ng isang makabuluhang batas.

1 comment:

Anonymous said...

hayaan na lang sa mga matatalinong senador ang mga may kwentang batas.pagbigyan na lang natin si Lapid para atleast may magawa din a senado kahit papano.sino ba kasing bomoto sa kanya???ang dami kaya...