Wednesday, September 29, 2010

Population Issue and the Wrong Premise

Even before warming his seat, President Noynoy Aquino already stirred the ire of the Catholic Church for expressing his support over the artificial birth control issue. Hence, what PNOY did is to blink and seek talk with the Church.

But while there is nothing wrong with consulting with the different sectors and talking with the latter on issues affecting the country, it is unsound to always sit down and talk and never come to a resolution. Kelan pa ba yan nagsimula na usapang yan? Bakit hindi natatapos?

The reason why nothing comes to a closure is because of the wrong assumptions both on the part of the government and the Catholic Church.
  • First, the government thinks that the Church is all-powerful kaya maraming opisyal ang tiklop ang tuhod pag nagsalita na ito. Dahil ba sa sinasabing 80% ng mga Pilipino ay Katoliko? Even if sabihin na 100% ng mga Pilipino ay Katoliko, it is non-sequitor to say na powerful pa rin ang Simbahan. Numbers doesn't mean power dahil marami pa rin kasing Pilipino ang ayaw matawag na atheist kaya everytime na tinatanong sila kung ano ang relihiyon nila, sinasabi na Katoliko sila. Well, ang gobyerno naman kasi ang may kasalanan nito. Mantakin mo ba namang lagyan ng mga larawan ng Diyos (kuno) ang mga classrooms at i-emphasize ang panalangin sa pagbubukas ng klase sa mga public schools, and at the crucial stage kung saan nagsisimulang makipag-socialize ang mga bata? Siyempre, mapipilitang maki-ayon na lang ang mga bata para di sila ma-outcast sa kanilang mga klase.
  • Second, the government believes that numbers mean power but doesn't conduct scientific studies to show which numbers are true. Dahil ba sinabi ng Simbahan na 80% ng mga Pilipino ay Katoliko, yung equivalent number na yun ay ayaw na sa contraceptives? If this is true then sana yung sinasabing "huwag makikiapid" na nasa 10 Commandments ay sinusunod din lalo na nang mga kaparian. Si Fr. Anton, napapabalitang anak daw yung bunso ni Aling Jenny na asawa ni Mang Mark na seaman. Ganun din si Fr. Marlon na maliban sa girlfriend na si Anggie, kinakalantare din ang asawa ni Charles. Okay lang siguro si Anggie kasi dalaga naman siya at binata naman ang pari. Pero yung asawa ng may asawa? Meron pang isa, si Fr. Dindo. Nagkaanak din sa isang dalaga pero sa halip na panagutan, nagpa-assign bilang misyonero sa Africa. Pero bago siya napunta sa Africa, may mga nagalaw din na kababaihan sa parokya nila pero di nagbuntis. Gumamit na daw ng condom dahil natuto na sa pagkakamali nila ni Lora, yung dalagang nabuntis. Isa lang ang naging anak ni Fr. Dindo, na ngayon ay happy na daw sa Africa. Si Fr. Anton naman, dinala na sa Roma. Yung mga kawawang mga anak nila, nasa pangangalaga ng kanilang mga ina na ni isang kusing na sentimo, walang natatanggap na suporta. Ibig sabihin, walang solid control ang Simbahan hindi lang sa mga miyembro nito kundi maging sa mga kaparian. Kaya ba't nagpapadala sa numero at moralidad ang mga taong-gobyerno eh bluff lang ang mga ito?
  • Third, balik sa numero. Takot ang karamihan, lalo na ang mga pulitiko, na hindi sila mananalo kung lalabanan nila ang Simbahan. Me political clout nga ba ito eh brown bags lang nung panahon ni GMA at jueteng payola, bow na ang ilang pari? At si Bishop Cruz mismo ang nagsabi, di ba? Assuming na me political clout nga ang Simbahan, bakit natalo si Fr. Ed Panlilio sa Pampanga o kaya si Grace Padaca ng Isabela? At bakit nanalo si GMA bilang kongresista? Gayun din si Edcel Lagman na tahasang sumuporta at nagsulong sa Reproductive Health Bill noong nakaraang Kongreso? Kung ang Iglesiya ni Kristo siguro o kaya mga Muslim ang magsabi, baka puwede pang paniwalaan. Pag dating ng eleksiyon, nasa 64% ng mga miyembro ng Iglesia ang solid na bumoboto sa ini-endorso ng kanilang mga lider samantalang 48%-52% naman ng mga Muslim ang sumusunod sa ini-endorso ng kanilang mga Imam.
  • Fourth, mukhang parehong nag-aasume lang ang Simbahan at Gobyerno. Di natin alam kung bopols silang pareho pero ni hindi nga nila kabisadong husto ang kanilang mga isyu. Mantakin ba naman na sabihin ng Simbahan na kasama sa artificial birth control ang abortion? Papaano mangyayari yun eh wala namang batas ang isinusulong para amyendahan ang Revised Penal Code na nagbabawal sa abortion? 
Malaki ang intelligence funds ng gobyerno. Malaki rin tong, este, ano nga yun, abuloy(?) na nakukuha ng Simbahan. Bakit di sila mag-invest sa research para me matino naman silang desisyon? 

The reason why this is happening is because of the wrong assumptions. Masyadong takot ang gobyerno at masyado namang nananakot ang Simbahan. Pero ano ba ang ginagawa ng gobyerno para ayusin ito once and for all?

Tuesday, September 28, 2010

Lapid and his School Bags Law

Mona Lisa senator, Lito Lapid, passed a bill prohibiting the overloading of the school children's bags. Numbered as Senate Bill 2179, the bill proposes to
limit the maximum load of schoolbags to 15 percent of a student’s body weight. Schools should provide weighing scales to implement this regulation. He also proposed that schools provide more lockers and buy thinner and lighter textbooks.
The reason: Lapid doesn't want other kids to experience what he did when he carried heavy woods and sugarcane in his younger years that instead of growing 5 feet 11 inches, he only grew 5' 9".

Lapid's bill was countered by DepEd Secretary Armin Luistro saying there is no need for a law on that. Nasa discretion na yan ng mga magulang at siyempre, ng school officials. Which is correct. Dahil sa kakulangan ng school buildings at teachers, kailangang wala nang uwian at tapusin na nang mga bata from 6AM to 12NN ang kanilang mga subjects na dapat ay from 8AM to 11AM, at 1PM to 5PM. Ibig sabihin, kailangang dalhin nila ang kanilang mga gamit at wala nang uwian para ma-maximize ang oras.

Sa halip sana na schoolbags overloading ang tinumbok ng kawawang senador, nagpasa na sana siya ng batas na mage-ensure ng quality education sa pamamagitan ng pagbibigay ng: tamang oras at hindi long shifts, dagdag na school rooms at hindi lang lockers, matino at kumpletong mga textbooks hindi panipisan ngunit walang kalidad na laman, at de-kalidad na mga guro. Siyempre, dapat gumawa rin siya ng batas na nagtatakda ng dagdag na pondo para sa edukasyon.

At sana rin, sa halip na schoolbags ang tinumbok ng kawawang senador, sana yung batas na lang na nagtatakda ng matinong employee performance evaluation system at automatic kick out policy sa mga nagtatrabaho sa gobyerno na may poor performance. Lalong lalo na sa mga teacher sa rural areas na ang ginagawa sa mga estudyante nila ay pinapag-linis ng bakuran ng paaralan at pinapag-bunot ng damo. At ang pinakasimple, sana nagpasa rin siya sa ethics committee ng Senado ng resolution na ang mga Senador na kakaunti o kaya walang quality na naipasang bills ay bigyan ng parusa sa pamamagitan ng pagkaltas sa kanilang suweldo at pag-a-allocate ng pera para sa mga paaralan.


Kaso, kawawa talaga itong si Senador. Kung feeling niya kulang pa rin siya sa height, mas matindi ang kakulangan niya sa buhay: talino o kahit common sense para makagawa naman siya ng isang makabuluhang batas.

Monday, September 27, 2010

What are we jueteng for?

The frogs are croaking. Sec. Rico Puno is now in hot water while Senator Miriam Santiago had her well-thought jueteng equation. Of course, Mona Lisa senator, Lito Lapid, is to the rescue saying his kabalens Bong and Lilia Pineda are not jueteng operators. We heard this during the time of Gloria Arroyo and we are hearing it again. Anyway, the latest winning number combination according to whispering spirits is 11-23.

Chavit Singson is also on the limelight as Santiago said the governor is a jueteng operator. The problem is: Santiago is not offering evidences to pin Singson and the other names she dropped. Kaya nga tanong ni Sen. Cayetano (sino na nga yun? yung lalaki? Marami na kasi sila - 2 sa senado and earlier meron sa Kongreso): What are we jueteng for?

Ano na nga ba ang ginagawa natin? We have names, we conducted investigations, the police has a list .. and we are pissed. Sino na nga ba ang nakulong? Kahit si Erap na nasipa sa puwesto dahil sa jueteng kuno ay ayun, kumandidato pa at nag-ikot pa sa bansang Pilipinas. What are we jueteng for nga ba talaga?