Wednesday, July 05, 2006

Football and basketball in the Philippines compared

While the worldis dying with the World Cup fever, parang walang paki naman ang mga Pinoy sa football. Here are some of the reasons why:

  1. Mas tutok ang mga Pinoy sa basketball. Ang mga basketbll players kasi, either puwedeng mag-artista (Benjie Paras, Joey Marquez, et. al.) o kaya puwedeng magkaroon ng GF na artista (Ethel Booba's Alex) o kaya GF na artistahin (Kyla's BF).
  2. Sa basketball, puwede ka ring maging pulitiko (Jawo).
  3. Feeling kasi ng mga Pinoy, matatangkad sila kaya bagay sa kanila ang basketball.
  4. Sa basketball, matataas ang score di tulad sa football na minsan 1-0 lang ang score. Gusto ng Pinoy matataas na figures kaya nga si Gloria ipinagpilitan na di dapat bumaba sa one million ang lamang kay FPJ last 2004.
  5. Sa basketball, madaling dumami ang populasyon ..... ng mga players. Sa football kasi marami ang kailangan, konti lang ang puwede.
  6. Mas madaling maka-goal sa basketball di tulad sa football. At gusto ng mga Pinoy, goal agad. Kaya nga kahit hindi swak, pinipilit. Tulad ng sufficient number of classrooms ni Gloria Arroyo. Para masabing me accomplishments, pilit binabago ang rules.

Ano pa kaya?.... hmmnnnn

No comments: