Monday, July 24, 2006

Starstrucked by Gloria

Her smiles, her two fronth teeth, and the dimples she is forcing to come out strucked me as she started her speech. Good news ba? Kasi kung good news, that means bad news. That's the Gloria doubletalk. Remember her words that she's not running? And her pronouncement of the classroom sufficiency?

I waited.

Until sweet words flowered her mouth. Para akong nasa alapaap. Ang saya. May pera na. May economic growth na. Pero teka, Arrovonomics ba? Ba't si Mang Pedring parang lalong naghirap pa rin? At si Aling Conching, lalong naging bugnutin. Ang asawa kasing si Tiyago, wala pa ring trabaho.

Am I dreaming? But the words, those music, di ba maganda na ang ekonomiya? Di ba lagpas nang unos?

Parang soundtrack sa sinehan, biglang dumagundong. Kasama ang kidlat at lakas ng ulan. Bagyo. Glenda ang pangalan. Dati Gloria pero pinalitan. Buti hindi tinamaan ang Batasan.

So I listened. Ala na ngang death penalty. Papogi ba sa Italy? At kay Benedict na walang paki sa paghihirap ng marami? Eh pano ang mga taga media? Goodbye na nga ba talaga? At eto namang si Palparan na upo-tayo sa upuan ng tinawag ang pangalan. Congrats!???

And I listened. Pero ba't parang di nasabi ang mga nangyayari? Asan ang solusyon sa problema ng marami? Pangako? Promise? Hallucination?

Pero sa tototoo lang cute siya sa dress niyang pula. Lalo na siguro kung magpapakatotoo na.

No comments: