Wednesday, July 26, 2006

Goodbye, Bichara?

Maribeth's brother, Albay's former governor and current ambassador plenipotentiary to Lebanon, Mr. Al Francis Bichara, is now in hot water. Paano ba naman kasi, amining wala ng pera para sa mga OFWs na niipit sa Lebanon? Di niya ba naiisip na ayaw ni Gloria ng ganun? Di ba siya natuto kay Hidalgo who was shamed for telling the truth?

Sabagay, sabi nga ni Erap, weder-weder lang iyan. When he was still Albay's governor, he also hates bad news. Now, he is having the experience of the employees and mediamen he lambasted when these people told him the the truth. Also, when he was the Albay governor, tulad din siya ni Gloria -- utang dito, utang doon; gastos dito, gastos doon. Now he is working on a very meager budget. At sabi di pa nga daw nagli-liquidate ng gastos?

Kawawa naman. Ba't kasi di lumingon sa pinanggalingan. Ang roots ni Al, sabi from Palestine, knew how to live on a meager budget. Kaya nga umasenso sa Bicol Region. Nagkaroon ng mga sinehan, business establishments, etc. Pero ang Al, mukha atang di natuto sa roots niya.

But worse, Al's career as an ambassador is looking bleak already. Kaya ba nagpa-plano ng bumalik sa Albay as governor? Kapal naman. Dahil ba medyo naaayos na ngayon ang finances ng probinsiya? O dahil nahihirapan siyang maging bossing si Gloria?

Well? Sabagay, sabi ni Erap, weder-weder lang yan.

Pero may puwang pa nga ba siya sa Albay bilang gobernador? Hmmnnn.... Hindi kasi siya marunong mag-alaga ng mga tao. Hayop, oo. Dami nga sa Albay Parks and Wildlife. Ba't kaya di na lang siya sa Albay Parks and Wildlife bilang isang administrator tulad nong isa na tinapon niya sa dun dahil ito'y Salalima baby?

Pero ang masama, tanggapin pa ba siya ng mga Albayano? Medyo kasi napahiya siya ng kanyang "he and his big mouth" for telling na di na tutuloy ang evacuation ng OFWs sa Lebanon. At nabanatan din siya ng OWWA at DFA.

Hmmnnn. Magtago na lang kay siya sa Syria? Maganda kaya dun?

No comments: