Friday, September 28, 2007

From "Hello Garci! to "Goodbye Abalos!"?

It seems that Comelec Chairman Ben Abalos will be saying "Adieu" before his retirement day comes. Iloilo Vice Gov. Rolex Suplico already filed an impeachment complaint before the lower house against Abalos for corruption, betrayal of public trust, and culpable violation of the Constitution.

But one thing sure, he didn't betray the private trust -- that of the ZTE.

Of course, Abalos denies to death his engagement in the NBN deal. Sabagay, sino ba ang aamin? Pontius Pilate washed his hands. Even Mike Defensor, with his questionable audio expert, didn't even give a damn to apologize. Si Erap nga, di rin umamin na tama ang Sandigan. Ang alam lang niya, gusto niya ng pardon -- an act which gives an inkling na me kasalanan nga siya.

Pero si Abalos, i think he deserves more than just an impeachment. Kung nangyayari nga talaga ito sa ZTE, what more sa iba pang projects kung saan dawit ang pangalan niya tulad sa Comelec election automation? At paano rin ang tungkol sa election money? Consider: mukhang rattled siya na palinis kamay sa isyu ng Hello, Garci! At may mga insider na nagsasabing, tuwing eleksiyon may flow of money rin na nangyayari. At kasamaa si Chairman sa mga nauulingan.

If, tulad ng claim niya, he is innocent (tulad kay Erap), then let the process begin. Go, go, Impeachment proceedings!

From "Hello Garci! to "Goodbye Abalos!"?

It seems that Comelec Chairman

Thursday, September 27, 2007

Mirriam's Logic

Mirriam Defensor-Santiago yesterday walked out of the National Broadband Network deal. Her reason: The senate is just being dragged into a case of 'kickbacks' double cross.

She also argued that the senate is just wasting its time for hearing those 'kickback' stories.

Teka, kala ko genius si Mirriam. Ba't di niya naiisip na tip of the iceberg lang ang kickback stories? Or medyo naiinis siya kasi million dollar kickbacks ang pinag-uusapan at ala pa ata sa kanyang nag-offer ng ganun?

Or masyadong matalino si Mirriam kaya ang mga simpleng bagay, di niya nabibigyang pansin. For this, let us count the ways why the Senate should continue investigating the NBN-ZTE deal:

  1. NBN deal is a deal on corruption. Mantakin mo, million dollars ang pinag-uusapan. Si Neri, may 200. Si Abalos nag-offer sabi ni Neri. Ibig sabihin, mas malaki ang kay Abalos. At siyempre, mas malaki rin ang mga ibubulsa ng mga nasa likod ni Abalos. Si FG ba? Si Gloria?
  2. NBN deal is a deal on the betrayal of public trust. Bakit ganun kabilis ang mga pangyayari? Bakit nabigla na lang tayo na meron palang ganun?Sabi ng mga taga-UP di naman daw masyado kailangan dahil kaya naman ng ating mga private companies. At bakit atat si Abalos? Si Gloria, pumunta pa ng China. Si Aling Tonya ni walang pamasahe papuntang Avenida. At bakit si Abalos na Chairman ng Comelec, mukhang nasa DOTC na? At si FG, while naglalaro sa Wack-wack, napasok pa sa eksena. Broker na rin ba? At bakit pa? Malinaw nmn sa Republic Act 3019, di ba?
  3. NBN is a deal na kailangang pasanin ng mga mamamayan. Utang ba. At si Juan ang magpapasan. Eh ni wala ngang alam sa computer eh. Kahit nga ang anak niyang si Lilian, me subject ngang computer 101 eh hanggang tingin na lang sa keyboard dahil ang computer set sa school nila, pentium II na nga nag-iisa pa. At bilyong-bilyong piso ang pa ang babayaran.
  4. At binabayaran ang mga senador na tulad ni Mirriam para siguraduhing bantayan ang kaban ng yaman at hindi lang ito basta malalaspag ng kung sino man. Kaya nga the power of the purse rests on the Congress di ba? At kilangan din siyempreng well-appraised ang mga tao sa mga ginagawa sa Senado, at ang mga batas tulad ng pakikipag-kontrata ng gobyerno. Kung walk-out lang ng walk-out, ba't di na lang kaya sila mag-walk out sa puwesto at ibalik ang pinangsahod sa kanila ng mga Pilipino?
So, di pa ba alam ni Mirriam kung bakit dapat siyang nakaupo din sa hearing? O inggit lang talaga siya sa million dollar kickbacks? Hmmmnnnn....

Monday, September 24, 2007

ZTE Contract: The end does not justify the means

In a report, Donald Dee of the Philippine Chamber of Commerce Inc. (PCCI), was quoted as saying: The discussion now is too concentrated on corruption rather than the merits (of the ZTE contract.)

Reading between the lines, it appears that if the contract is meritorious, it is just proper that the contract with the ZTE be continued. And supporting this, Sergio Ortiz-Luis, PCCI's honorary chair, spread an emotional blackmail arguing that other countries are watching the Philippines and that if the ZTE contract will not push through, there might be some repercussions on the country particularly on the aspect of trade relations. He even added: There are relationships we should be careful about and our credibility in entering into contracts could be viewed negatively by other countries.

While we agree at the repercussions, what the PCCI is saying is hard to swallow. So if the Malacanang people does it again, we just close our eyes and tell ourselves that it is bad for trade? If the Malacanang people enters into another spurious deal, we just try to pretend we saw nothing because other countries are watching us and voicing what we see might create a negative picture of the Philippines? And, if the Malacanang people does it again, we just try to convince ourselves that we are just having a nightmare and tomorrow we'll wake up hoping for a brand new day?

Swallowing PCCI's stand simply means approving what these Malacanang guys are doing. Swallowing PCCI's stand simply means Filipinos can be easily, and would like to be, fooled. And swallowing PCCI's stand simply means, we agree with corruption, lack of transparency, and lack of accountability.

If the PCCI works like that, and if cowardice is their virtue, so be it. For us, we believe in the opposite. And we believe that the end does not justify the means.

Monday, September 17, 2007

People Power No-Show: Naisip Ba Nila?

Sabi sa ABS-CBN Interactive:

Administration lawmakers, however, pointed out the conviction of Estrada was met with positive reaction by the general public.

The fact that Filipinos received the news of the conviction for plunder of Estrada calmly shows that they are now “politically mature,” Isabela Rep. Rodolfo Albano III said.


Dagdag pa ni Albano: It also means that democracy is vibrant and working in the country.


Galing naman nilang analysts. Pero teka, sa sobra nilang galing, naisip ba nilang ang no-show ng supposed People Power 4 ay indikasyon lamang na pagod na ang mga tao sa mga walang nagyayaring mga bagay-bagay? Na kailangan munang i-reserve ang energy, maghanap-buhay at maghanap ng isang malaking isyu na gagatong sa kanilang mga damdamin para muling pumutok ang bulkan?


Naisip din ba ng magagaling na mga taong ito na ang no-show ay indikasyon na keep silent muna sila dahil kasama sila sa mga nagpalayas kay Erap? Na ang mga Pilipino ay matatalino at di sila basta nadadala ng wave of fashion sa mga kalye? Na sila ay may sariling disposisyon din kung kelan lalarga at kelan sisigaw ng "Gloria Resign".... este, "resign" sa kung sino man ang nakaupo sa puwesto na di nila gusto? At naisip din ba ng mga taong ito na si Gloria pala, kung gugustuhin ng mga tao, puwede ring matulad kay Erap?


At naisip din ba ng mga taong ito na ang mga medyo mukhang me diperensiya ang definition nila ng democracy? Na ang democracy ay di lang demokrasya kung di kumikibo ang mga tao kundi kung sumisigaw din at nagpapahayag ng kanilang mga saloobin lalo na ang di pagkagusto sa isang namumuno?


Sabagay, matatalino naman sila.At ang mga bagay na ito ay simple lamang mula sa mga tao na galing sa barberya, sa kanto, sa talipapa, sa mga terminal ng tricycle at padyak, sa mga naglalako ng mga kakanin sa kalsada, kay Mang Pedring na hindi superhero na tulad ni Mang Gusting, kay Aling Tacing na nagtitinda ng tinpa at daing, kay Biboy na kickout sa school, etc., etc.


Wednesday, September 12, 2007

Where is Erap's Force?

Last night, Tikboy heard the news that the decision for the plunder case against former president Joseph Estrada will be handed down today. Kaya prepare ngayon ang Tikboy. Set ang alarm clock sa 4:00 para iwas traffic, at plinano ang possible routes. Expected kasi ang traffic diyan sa may Sandigan. Ang problema, umulan kagabi at masarap matulog lalo't malamig ang simoy ng hangin. When the alarm rung, di nagising ang Tikboy hanggang nagsawa na lang ang alarm clock sa kasisigaw.


Seven na. Ayon sa teevee may mga umpukan na sa Commonwealth. At nawili na ang Tikboy sa kapapanood hanggang matapos ang promulgation. Larga ang Tikboy hoping to reach his office after lunch taking the traffic as a variable. Yun pala, ang linis ng kalsada. Ala ang show of force ni Erap. The 700 Club lang ata ang dumalo. Ang tanong, where o where is the force? Bakit di nag-Erapt?

Just a while later, there was an interview kay Tikboy bakit ganoon. Sagot:

  1. Expected na ng masa na guilty ang Erap. Why waste additional energy? Mapapalaya ba ang Erap kung mag-rally sila? Baka matulad lang sil sa EDSA III. Yun din ang sabi ni Kiko sa Barberia ni Lupin.
  2. Busy ang mga tao sa paghahanap-buhay. Ba't pa sila magpapakamatay sa rally? Unless me bayad ulit. Eh ala. (Pero teka, me bayad ba ang mga tag-administrasyon para wag ng dumalo sa rally?)
  3. Takot na rin ang ilan sa mga kapulisan at kasundaluhan na kinuha ni GMA. At mantakin mo, from Northern Luzon at Central Luzon pa. (O si GMA ang takot? Hmmnnn. Aminin...)
  4. Noong EDSA 3 daw, sabi ng mga organizer pag si GMA na ang nakaupo, wala ng Housing projects. Kaya napilitan silang mag-rally. Eh tuloy-tuloy ang housing projects at relocation projects ni GMA. Excited ngayon ang mga Urban Poor at sinusuportahan na in a way si GMA kahit palyado at di alam na press release lang pala ang pinalabas na kwento. Si Mang Pamboy nga, na-relocate nga bumalik ulit sa my pusali kasi wala siyang pambayad sa housing project ni Aling Gloria. At marami pang kwento sa mga pabahay ni Gloria sa iba-ibang lugar na sa bandang huli ay palpak dahil di naman talaga natitirhan sa kakulangan ng pambayad.
  5. Naka-freeze na ang assets ni ERap. At wala ng pang-finance. Paano pa ngayon makakapag-mobilize ng tao? Sabi ni Tikboy, mga 2 to 3 million pesos ang kailangan sa pag-mobilize lang ng 15,000.
So, paano ngayon magkakaroon ng show of force si Erap?

Thursday, September 06, 2007

On the verdict for/against Erap

Logic says it all: If Erap will be acquitted, sayang yung pinaghirapan ni Aling Gloria from organizing people in EDSA II to the agony of walking in tight rope baka matanggal siya during EDSA III at baka matalo siya sa eleksiyon ng 2004 (kaya nga siya tumawag kay Garci) at baka mapalayas siya during the bukingan period nung Hello Garci scandal.

Kaya nga defense to the limit si Ermita. For that reason he said:
We have courts and laws. We don’t have a kangaroo court. So let us not think na parang may taong naapi pag lumabas ang verdict… Whatever decision comes out has been properly deliberated upon.

And to add, pinapaghanda pa nila ang mga sundalo at kapulisan para lang sa verdict kuno ni Erap as if handa na nga talaga ang verdict at nasa preparatory stages pa kaya di pa ito naipalalabas.

anyway, review nga tayo. Should Erap be acquitted or not be acquitted? Click here...