Thursday, September 27, 2007

Mirriam's Logic

Mirriam Defensor-Santiago yesterday walked out of the National Broadband Network deal. Her reason: The senate is just being dragged into a case of 'kickbacks' double cross.

She also argued that the senate is just wasting its time for hearing those 'kickback' stories.

Teka, kala ko genius si Mirriam. Ba't di niya naiisip na tip of the iceberg lang ang kickback stories? Or medyo naiinis siya kasi million dollar kickbacks ang pinag-uusapan at ala pa ata sa kanyang nag-offer ng ganun?

Or masyadong matalino si Mirriam kaya ang mga simpleng bagay, di niya nabibigyang pansin. For this, let us count the ways why the Senate should continue investigating the NBN-ZTE deal:

  1. NBN deal is a deal on corruption. Mantakin mo, million dollars ang pinag-uusapan. Si Neri, may 200. Si Abalos nag-offer sabi ni Neri. Ibig sabihin, mas malaki ang kay Abalos. At siyempre, mas malaki rin ang mga ibubulsa ng mga nasa likod ni Abalos. Si FG ba? Si Gloria?
  2. NBN deal is a deal on the betrayal of public trust. Bakit ganun kabilis ang mga pangyayari? Bakit nabigla na lang tayo na meron palang ganun?Sabi ng mga taga-UP di naman daw masyado kailangan dahil kaya naman ng ating mga private companies. At bakit atat si Abalos? Si Gloria, pumunta pa ng China. Si Aling Tonya ni walang pamasahe papuntang Avenida. At bakit si Abalos na Chairman ng Comelec, mukhang nasa DOTC na? At si FG, while naglalaro sa Wack-wack, napasok pa sa eksena. Broker na rin ba? At bakit pa? Malinaw nmn sa Republic Act 3019, di ba?
  3. NBN is a deal na kailangang pasanin ng mga mamamayan. Utang ba. At si Juan ang magpapasan. Eh ni wala ngang alam sa computer eh. Kahit nga ang anak niyang si Lilian, me subject ngang computer 101 eh hanggang tingin na lang sa keyboard dahil ang computer set sa school nila, pentium II na nga nag-iisa pa. At bilyong-bilyong piso ang pa ang babayaran.
  4. At binabayaran ang mga senador na tulad ni Mirriam para siguraduhing bantayan ang kaban ng yaman at hindi lang ito basta malalaspag ng kung sino man. Kaya nga the power of the purse rests on the Congress di ba? At kilangan din siyempreng well-appraised ang mga tao sa mga ginagawa sa Senado, at ang mga batas tulad ng pakikipag-kontrata ng gobyerno. Kung walk-out lang ng walk-out, ba't di na lang kaya sila mag-walk out sa puwesto at ibalik ang pinangsahod sa kanila ng mga Pilipino?
So, di pa ba alam ni Mirriam kung bakit dapat siyang nakaupo din sa hearing? O inggit lang talaga siya sa million dollar kickbacks? Hmmmnnnn....

No comments: