Administration lawmakers, however, pointed out the conviction of Estrada was met with positive reaction by the general public.
The fact that Filipinos received the news of the conviction for plunder of Estrada calmly shows that they are now “politically mature,” Isabela Rep. Rodolfo Albano III said.
Dagdag pa ni Albano: It also means that democracy is vibrant and working in the country.
Galing naman nilang analysts. Pero teka, sa sobra nilang galing, naisip ba nilang ang no-show ng supposed People Power 4 ay indikasyon lamang na pagod na ang mga tao sa mga walang nagyayaring mga bagay-bagay? Na kailangan munang i-reserve ang energy, maghanap-buhay at maghanap ng isang malaking isyu na gagatong sa kanilang mga damdamin para muling pumutok ang bulkan?
Naisip din ba ng magagaling na mga taong ito na ang no-show ay indikasyon na keep silent muna sila dahil kasama sila sa mga nagpalayas kay Erap? Na ang mga Pilipino ay matatalino at di sila basta nadadala ng wave of fashion sa mga kalye? Na sila ay may sariling disposisyon din kung kelan lalarga at kelan sisigaw ng "Gloria Resign".... este, "resign" sa kung sino man ang nakaupo sa puwesto na di nila gusto? At naisip din ba ng mga taong ito na si Gloria pala, kung gugustuhin ng mga tao, puwede ring matulad kay Erap?
At naisip din ba ng mga taong ito na ang mga medyo mukhang me diperensiya ang definition nila ng democracy? Na ang democracy ay di lang demokrasya kung di kumikibo ang mga tao kundi kung sumisigaw din at nagpapahayag ng kanilang mga saloobin lalo na ang di pagkagusto sa isang namumuno?
Sabagay, matatalino naman sila.At ang mga bagay na ito ay simple lamang mula sa mga tao na galing sa barberya, sa kanto, sa talipapa, sa mga terminal ng tricycle at padyak, sa mga naglalako ng mga kakanin sa kalsada, kay Mang Pedring na hindi superhero na tulad ni Mang Gusting, kay Aling Tacing na nagtitinda ng tinpa at daing, kay Biboy na kickout sa school, etc., etc.
No comments:
Post a Comment