Seven na. Ayon sa teevee may mga umpukan na sa Commonwealth. At nawili na ang Tikboy sa kapapanood hanggang matapos ang promulgation. Larga ang Tikboy hoping to reach his office after lunch taking the traffic as a variable. Yun pala, ang linis ng kalsada. Ala ang show of force ni Erap. The 700 Club lang ata ang dumalo. Ang tanong, where o where is the force? Bakit di nag-Erapt?
Just a while later, there was an interview kay Tikboy bakit ganoon. Sagot:
- Expected na ng masa na guilty ang Erap. Why waste additional energy? Mapapalaya ba ang Erap kung mag-rally sila? Baka matulad lang sil sa EDSA III. Yun din ang sabi ni Kiko sa Barberia ni Lupin.
- Busy ang mga tao sa paghahanap-buhay. Ba't pa sila magpapakamatay sa rally? Unless me bayad ulit. Eh ala. (Pero teka, me bayad ba ang mga tag-administrasyon para wag ng dumalo sa rally?)
- Takot na rin ang ilan sa mga kapulisan at kasundaluhan na kinuha ni GMA. At mantakin mo, from Northern Luzon at Central Luzon pa. (O si GMA ang takot? Hmmnnn. Aminin...)
- Noong EDSA 3 daw, sabi ng mga organizer pag si GMA na ang nakaupo, wala ng Housing projects. Kaya napilitan silang mag-rally. Eh tuloy-tuloy ang housing projects at relocation projects ni GMA. Excited ngayon ang mga Urban Poor at sinusuportahan na in a way si GMA kahit palyado at di alam na press release lang pala ang pinalabas na kwento. Si Mang Pamboy nga, na-relocate nga bumalik ulit sa my pusali kasi wala siyang pambayad sa housing project ni Aling Gloria. At marami pang kwento sa mga pabahay ni Gloria sa iba-ibang lugar na sa bandang huli ay palpak dahil di naman talaga natitirhan sa kakulangan ng pambayad.
- Naka-freeze na ang assets ni ERap. At wala ng pang-finance. Paano pa ngayon makakapag-mobilize ng tao? Sabi ni Tikboy, mga 2 to 3 million pesos ang kailangan sa pag-mobilize lang ng 15,000.
No comments:
Post a Comment