My trip to Quiapo (no, not patterned after Ricky Lee's scriptwriting manual) remains vivid in my head as the songs of the tinderos and tinderas kept going: Dibidi... dibidi... dibidi.
Naalala ko tuloy ang balita kahapon. Gusto ng mga pharmaceutical lobbyists sa America na bigyan ng economic sanctions ang Pilipinas dahil sa Cheaper Medicines Act ng huli. Violation daw yun ng intellectual property rights (IPR) ng mga malalalaking pharmaceutical companies. Pumirma kasi ang Pilipinas sa isang kasunduan under the General Agreement on Tariff and Trades with regard IPR.
Pero kung may punto nga ang mga American lobbyists, ibig sabihin, kailangang mahal ang mga gamot. Ibig ding sabihin, kung ang isang mahirap ay magkakaroon ng karapatan na maka-afford ng gamot para sa isang malusog na pangangatawan ito ay isang violation din ng IPR. Ibig ding sabihin, ang tanga-tanga talaga ng mga Pilipino dahil ibinoboto ng mga ito ay mga opisyal na basta na lang pumipirma ng mga hindi naiintindihan na dokumento. Buti na lang merong Gloria Arroyo na matapos sumabog ang balita na negatibo sa bansa ang implikasyon ng ZTE Broadband Deal, minadyik na lang para mawala ang mga dokumento. Galing di ba?
Pero isang malinaw na implikasyon din ang kahalagahan ng amendments sa Konstitusyon - amendments na hindi lang basta "able to read and write" ang kandidato kundi "able to understand" din ng kanyang binabasa at sinusulat.
But while we agree sa karapatan ng mga nag-isip, nag-imbento, gumawa, nag-develop, etc., ng mga bagay-bagay (gamot, pelikula, damit, musika atbp.), dapat gumawa rin ng paraan ang gobyerno para hindi naman lahat pabor sa mga may-ari ng IPR. Ang trabaho ng gobyerno ay balansehin ang mga interes at gumalaw patungo sa ikauunlad ng bawat isa. Puwedeng isa ang Cheaper Medicines Act pero huwag naman sanang maging bahag ang buntot ang gobyerno pag umalma na ang ibang bansa. Ikalawa, huwag lang tumutok sa gamot. Tutukan din ang iba pang bagay tulad ng Free and Open Source Software (FOSS) Bill na hanggang ngayon, nasa drawer pa rin ng mga kongresista. Matagal na ata yun na nai-file pero mukhang hanggang filing cabinet na lang.
Ikatlo, tutukan din ang mga smuggler na kasabwat ng ilang tao diyan sa gobyerno. Mukha kasing ang nangyari, everybody happy lagi at naging "customary" na ang snuggling. Kung may hinuhuli man, ito yung maliliit at mahihina mag-coordinate. Ganun nga ba talaga yun?
Siyempre, lagyan ng pangil ang mga batas. Huwag ng gawin yung slogan ni Erap na "walang kai-kaibigan at walang kama-kamag-anak" kasi may lusot dun. Wala na ngang kaibigan (kaya nga umalma si Jun Lozada dahil kumonti ang kita), at wala na ring kamag-anak kasi panay na lang "kapamilya". Otherwise, bakit sinasabing "all roads of corruption lead to Rome... este, Home... I mean, Malacanang"?