Friday, April 28, 2006

Tell it to the marines?

The AFP says there is no sign of powergrab this May 1. Bakit, kailan ba nagkaroon ng signs of powergrab? O baka naman palusot niyo lang yan dahil di na makakadeklara ng PP 1017 si Gloria in the Palace? Lately kasi na-declared na unconstitutional ang CPR. Takot na ba ang Malacanang?

O baka takot na rin ng mga pulis dahil sa sandamakmak na kasong nakaamba sa kanila?

***

Just lately, I listened to a discussion on Nat Sit. Sabi ng speaker, buo pa rin daw ang mga oposisyon sa highly politicized na military. Di daw kasi nasagot ng gobyerno ang mga tanong ng mga nasa lower ranks tungkol sa Hello Garci etc., etc. Dagdag pa, ang open forum ni Gloria in the Palace ay scripted lang naman daw kasi. And how will one question Gloria in the Palace eh siya ang bossing? Di ba merong 2 rules sa military and I quote:

Rule 1. Do not question your commanding officer.
Rule 2. If the commanding officer is wrong, refer to rule number 1.

***

At lalong nadagdagan ang mga tanong ngayon ng nagtatakang sundalo. Kung iligal nga ang CPR at di rin totally correct ang EO 464, paano si Gudani? At si Balutan? Thank you na lang ba ang nangyari sa kanila? Paano si Lt. they-know-who na nasabit din sa gulo dahil napagkamalan na nakikipagsabwatan sa Magdalo?

***
Isa pang tanong na pilit na umuusbong: Ang condominium na binuksan pa lng kamakailan, bakit ang mahal naman? Ang mgsundalo ba'y pilit lang na pinatatakam?

No comments: