"This is a trend. You're going to see a lot more guys like us in these situations."
-- Blackwater USA mercenary
Reports said that SBMA has opened itself to the recruitment of mercenaries that will be deployed to Iraq. The reports, however, were described by National Security Adviser Norberto Gonzales as a product of a "fertile imagination".
Pero kung fertile imagination, bakit me movements ng ilang "tirador" mula probinsiya patungong Luzon? Mag-aaplay bilang pulis?
Gonzales also said that the presence of Blackwater and its recruits are an insult to the Armed Forces. Well, totoo naman. Una, mas malaki ang kita: $60,000 to $80,000 per year compared sa P60,000 sa AFP. Pangalawa, mas efficient din daw ang mga mersenaryo. Sabagay, paano mo nga naman masasabing efficient si PO4 Bundat eh halos 38 na ang waistline? Si General Tagay naman laging lasing. Paano mo siya patatakbuhin ng tatlong ikot sa oval? Si Lt. Dindo naman, na matagal ng nag-aantay sa resolusyon sa kaso ni Trillanes at sa isyu ng korupsyon sa militar, butas pa rin ang medyas at bulsa hanggang ngayon kaya paano niya maiisip na magtagal sa serbisyo?
Pero siyempre, worrisome din ang presensiya ng mga mersenaryo. The Nation narrates how Blackwater USA mercenaries acted during the times of hurricane Katrina. May pagka-brutal din. Sa karatig-probinsiya nga namin, mersenaryo din daw ang dumali sa bahay governor mga ilang eleksyon na ang nakakaraan. Special Ops, ba. Di nga lang galing sa Blackwater. Galing mismo kay governor! At bakit kanyo? Para makakuha ng simpatya sa mga botante at madiin sa kahihiyan ang kanyang kalaban. Galing, di ba?
Balik sa recruitment. Me basbas daw ito ng Malakanyang? Di ko pa natatanong si bubuyog pero malaki ang possibility. Sabi kasi ng isang ispiritu diyan sa loob ng puting palasyo noong huli kaming mag-usap, determinado daw kasi si Gloria na magpabango sa Amerika. Kaya nga tuloy pa rin ang Venable Contract kahit ito ay na-isyu na kamakailan. And to note: Ang Blackwater USA ay isa sa mga biggest donors ni George Bush at ng Republican Party noong mga nakaraang US Presidential elections. Dagdag pa ang pagiging atat ni Bush na giyerahin ang Iraq. At dahil siguro mahihirapan na na kumuha ng pondo sa gobyerno at suporta sa tao, nag-hire na lang ng mga mersenaryo. Which means, posible nga talagang me basbas galing sa Malakanyang ang patuloy na recruitment ng Blackwater sa SBMA.
No comments:
Post a Comment