Friday, February 22, 2008

Erwin Santos: The Second Rate Crying Hard Copycat

Can we convict a person for rape for the very reason that he committed a simple theft?

When Erwin Santos (E.S.), former aide of Jun Lozada (J-Lo) the Program Development Officer of PhilForest Corporation came out, marami na ang nakakita ng real cry-baby. Village Idiot Savant called him a "copycat" while the Professional Heckler called him a cry-baby because "he has not received the talent fee he was promised if he appeared on the show".

Whatever, E.S. is really "a second rate crying hard copy cat." Kasi nga, ang tanong (with a tune of Ogie's song): Bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon kung kelan... Whatever.

Is E.S. just trying to hitch in the popularity of J-Lo? Gusto niya rin ba na maisama sa pelikula? Gusto niy rin bang mainterview sa Senado? O plano niya rin kumandidato? Kawawa naman. And kawawa talaga dahil nagpagamit lang siya sa gobyerno. Sana sa GMA-7 na lang siya nagpa-interview o kaya sa ABS-CBN. Or much better, sa CNN. Hindi sa radyo ng gobyerno. Lalo lang tuloy siya nahahalata.

Pero ang point, he should have filed a case against Lozada. Andiyan naman ang Ombudsman. Ba't niya pa patatamaan si Neri na “Sir Jun, I care for you, let’s face the consequences of our actions” ? Wala talaga siyang pinagkaiba sa idol niyang si J-Lo. Ikalawa, is he planning to controvert J-Lo's statements by hitting him with something else? Doing so is like trying to convict for rape a person accused of theft.

Kung sabagay, desperate persons try to do desperate things. Payo lang ni Tikboy kay E.S., start ata ngayon ng audition sa Pinoy Idol. Baka puwede pa siya. O kaya antayin niya ang bagong season ng Pinoy Big Brother... kung meron pa.

No comments: