Monday, February 25, 2008

GMA: The Rule of Law

After admitting the presence of flaws in the NBN contract and still signing it, and after doing nothing to immediately punish the erring officials involved, Gloria Macapagal Arroyo is calling "on the public to remind the legislators to respect the rule of law in its investigations into alleged corruption in her government."

Teka, bakit ang legislators lang? Di ba kasama sa gobyerno ang executive department kung saan siya kabilang? Or what she means is respect her for she is the rule of law?

AT any rate, kung hindi siya ang rule of law at siya ay tagapagpatupad lamang ng batas, she should have not sacrificed the welfare of the people for the sake of the length of time. Immediately sana, pina-hold niya muna ang kontrata ng ZTE at hindi ito pinirmahan, pinatalsik niya ang mga pumalpak na opisyal ng gobyerno na involved sa pag-aaral ng ZTE, at kinasuhan niya agad ng violation of anti-corruption laws at violation of RA 6713 ang mga involved. Ganun din, inalis niya ang EO 464 at pinaharap sina Romulo Neri at iba pa sa Senado para sa imbestigasyon din na maaring makatulong sa pag-gawa ng mas matitibay na batas laban sa korupsiyon.

Anyway, consistent din ang ale. Dagdag niya sa speech niya sa Trece Martirez, Cavite kanina, "Yes, lahat tayo laban sa katiwalian, pero ang pinaglaban naman ni [hero and first Philippine president General Emilio ] Aguinaldo ay rule of law, democratic principles, ipaglaban natin yun."

Kung maaalala ng lahat, matapos ang eleksiyon at nanalo si Aguinaldo laban kay Andres Bonifacio, the former also insisted that the rule of law prevails. Kaya ilang araw lang, pinatay si Bonifacio para di na mag-ingay laban sa resulta ng eleksiyon na sabi ng ilang historians, tainted din ng dayaan. And Gloria allegedly won also because of cheating. Di ba? Hello? Garci?....

Kaya pala di natin masisi si Jun Lozada when he begged off Jinggoy Estrada's question. Tanong kasi ni Jinggoy during the ZTE hearing: Sino ang idol mo doon... este, ngayon?

Sinabi kasi ni Lozada na dati idol niya si Joker Arroyo kaya lang nagbago na pagtingin niya. Ngayon, di na niya sinagot si Jinggoy. Mahirap na kasi baka mabuking siya. Malaman ng lahat na idol niya rin si ex-Comelec Chair Ben Abalos. While Lozada begged off the question, si Gloria Arroyo naman proud pa na gawing halimbawa si Aguinaldo.

Well, this just proves the saying: Birds of the same feather, flocks together.

And with this, it can also be rightfully said na nabibingwit talaga ang isda sa bibig.

No comments: