Tuesday, February 19, 2008

The Logic of Abalos

Former COMELEC Chairman Ben Abalos yesterday presented "evidences" to debunk the claim that he (Abalos) issued death threats against Jun Lozada. The evidences are receipts showing that Lozada went back to Wack-wack and even ate hamburgers.

Sabi ni Abalos sa TV interview sa 24 Oras: Kung nagbigay nga ako sa kanya ng death threats, bakit pa siya babalik sa Wack-wack at kakain pa ng hamburger?

Abalos is a lawyer but it seems he lost his 8 years of studies with a single twisted logic. It's like arguing that Pedro should not eat food anymore because he was a victim of food poisoning. Or it's like arguing that the "Hello, Garci!" scandal is not true because there are no phone receipts that can be shown.

Kung sabagay, kaya nga pala hanggang ngayon bulok pa rin ang sistema ng Comelec; kaya nga pala hanggang ngayon di pa rin maamin-amin ni Abalos na marami pa rin ang dayaan sa eleksiyon; kaya pala hanggang ngayon di parin ma-automate ang sitema, etcetera, etcetera....

Pero bakit nga ba twisted ang logic ni Abalos? Let us count the ways:

  1. It doesn't mean na porke sa Wack-wack binigay ang death threat, di na puwedeng bumalik dun ang tinakot. So what kung bumalik si Lozada sa Wack-Wack after the death threat kuno ni Abalos? Maybe Lozada thinks Abalos cannot kill him in public. In short, it is non sequitor na dahil dun sa area na yun binigay ang death threat, dun papatayin ang tinatakot. Si Tikboy pinadalhan ng death threat sa bahay niya. Does that mean hindi na uuwi si Tikboy sa bahay niya? Eh, bahay niya yun. O kaya si Tikboy, tinext sa CP niya na papatayin daw siya. Does that mean hindi na gagamit ng CP si Tikboy?
  2. It doesn't mean also na pag binigyan ang isang tao ng death threat at hindi ito natakot, hindi na totoo ang death threat. Its like arguing na "hindi mamamatay si Tikboy kasi di naman siya naniniwala kay Kamatayan."
  3. It doesn't also mean na pag binigyan mo ang isang tao ng death threat at ang tinakot ay bumili pa ng hamburger, hindi na totoo ang death threat. Similarly, it does not follow na totoo ang Diyos kasi ang binili ni Aling Conching na Santo Nino sa Quiapo ay walang resibo.
  4. It doesn't also mean na pag kumain ang isang tao ng hamburger, di na totoo ang death threat.
  5. It doesn't also mean na pag ang nagbigay ng death threat ay Comelec official, hindi na rin totoo ang death threat.
At siyempre, marami pang iba. Whether or not the death threat is true, hindi po ebidensiya ang resibo ng hamburger. Otherwise, wala ng tao na may death threat ang kakain sa McDo at Jollibee. Baka kasi pagtawanan lang ito ng mga pulis kung magsumbong na may death threat nga talaga siya.

No comments: