Just the other day, US presidential hopeful John McCain was forced to take time to disavow disparaging remarks made at a rally about Sen. Barack Obama by conservative talk show host, Bill Cunningham. This simply affirms the saying: More talk, more mistakes.
Kung sabagay, Cunningham's remarks had improved the likability of Mc Cain. The presidential aspirant was given the additional time to boost his candidacy by denouncing anti-racist statements.
Yun nga lang, mas marami ang Cunninghams kaysa sa McCains. Tulad ni Gloria Arroyo when she affirmed that there was, indeed, flaws in the ZTE-NBN Broadband deal. Earlier we have Raul Gonzales, a loose canon; Lorelei Fajardo, and Sergio Apostol. Buti nga medyo tumahimik na si Toting Bunye after the long and never-ending two blind mice... este, two pirated CDs.
Pero teka, meron na naman palang bago sa listahan ng Filipino Cunninghams: si Trade Sec. Peter Favila. Sabi ni Favila, ex-President Fidel Ramos pressed Gloria to attend the Boao Forum kaya andun ang ale sa China. Kaya nga daw nag-agonize ang ale.
Parang naririnig ko tuloy ang background ng video-singko sa kapitbahay. Bago maglabas ng score, me soundtrack muna na parang ganito ang lyrics: Ang tanga, ang tanga-tanga talaga....dubidubidubidum... klang!
One need not study abroad to learn the fact that silence is gold. Yun nga lang, one needs to use that gold in the proper time. Parang buying and selling ng dolyar. Kung mataas ang dolyar, kelangan magbenta, kung mababa, kailangan bumili.
Releasing statements that GMA went to China dahil lamang kay Ramos only creates more questions as well as enemies. Bakit ngayon lang sinabi yun na malaki na ang gulo? Dahil ba inililigaw nila ang isyu? Bakit di na lang pinadala si Noli De Castro? O kaya si De Venecia na isa ring Lakas? O si Ed Ermita? Ganun ba ka-insensitive si Tabako at kailangan pang pilitin o i-pressure ang isang tao na ang asawa ay lubhang may sakit?
Opinyon lang ni Tikboy sobrang sensitive itong si Tabako. Pa-pogi lagi eh. And during his administration, he flies political balloons first before enacting as well as implementing policies. For that reason, kahit me rallies din noon, walang mga "Oust Tabako Movements" na nagsipag-sulputan, movements na kasing-sigasig sa panahon ni Cory, ni Erap, at ngayon, ni Gloria. Sa madaling salita, maiintindihan naman ni Tabako ang sitwasyon ni Gloria kung sakali.
Teka, lumabas na naman ang soundtrack. Kumanta kasi si Aling Toyang. Ang score: 39%.
No comments:
Post a Comment