But while there is nothing wrong with consulting with the different sectors and talking with the latter on issues affecting the country, it is unsound to always sit down and talk and never come to a resolution. Kelan pa ba yan nagsimula na usapang yan? Bakit hindi natatapos?
The reason why nothing comes to a closure is because of the wrong assumptions both on the part of the government and the Catholic Church.
- First, the government thinks that the Church is all-powerful kaya maraming opisyal ang tiklop ang tuhod pag nagsalita na ito. Dahil ba sa sinasabing 80% ng mga Pilipino ay Katoliko? Even if sabihin na 100% ng mga Pilipino ay Katoliko, it is non-sequitor to say na powerful pa rin ang Simbahan. Numbers doesn't mean power dahil marami pa rin kasing Pilipino ang ayaw matawag na atheist kaya everytime na tinatanong sila kung ano ang relihiyon nila, sinasabi na Katoliko sila. Well, ang gobyerno naman kasi ang may kasalanan nito. Mantakin mo ba namang lagyan ng mga larawan ng Diyos (kuno) ang mga classrooms at i-emphasize ang panalangin sa pagbubukas ng klase sa mga public schools, and at the crucial stage kung saan nagsisimulang makipag-socialize ang mga bata? Siyempre, mapipilitang maki-ayon na lang ang mga bata para di sila ma-outcast sa kanilang mga klase.
- Second, the government believes that numbers mean power but doesn't conduct scientific studies to show which numbers are true. Dahil ba sinabi ng Simbahan na 80% ng mga Pilipino ay Katoliko, yung equivalent number na yun ay ayaw na sa contraceptives? If this is true then sana yung sinasabing "huwag makikiapid" na nasa 10 Commandments ay sinusunod din lalo na nang mga kaparian. Si Fr. Anton, napapabalitang anak daw yung bunso ni Aling Jenny na asawa ni Mang Mark na seaman. Ganun din si Fr. Marlon na maliban sa girlfriend na si Anggie, kinakalantare din ang asawa ni Charles. Okay lang siguro si Anggie kasi dalaga naman siya at binata naman ang pari. Pero yung asawa ng may asawa? Meron pang isa, si Fr. Dindo. Nagkaanak din sa isang dalaga pero sa halip na panagutan, nagpa-assign bilang misyonero sa Africa. Pero bago siya napunta sa Africa, may mga nagalaw din na kababaihan sa parokya nila pero di nagbuntis. Gumamit na daw ng condom dahil natuto na sa pagkakamali nila ni Lora, yung dalagang nabuntis. Isa lang ang naging anak ni Fr. Dindo, na ngayon ay happy na daw sa Africa. Si Fr. Anton naman, dinala na sa Roma. Yung mga kawawang mga anak nila, nasa pangangalaga ng kanilang mga ina na ni isang kusing na sentimo, walang natatanggap na suporta. Ibig sabihin, walang solid control ang Simbahan hindi lang sa mga miyembro nito kundi maging sa mga kaparian. Kaya ba't nagpapadala sa numero at moralidad ang mga taong-gobyerno eh bluff lang ang mga ito?
- Third, balik sa numero. Takot ang karamihan, lalo na ang mga pulitiko, na hindi sila mananalo kung lalabanan nila ang Simbahan. Me political clout nga ba ito eh brown bags lang nung panahon ni GMA at jueteng payola, bow na ang ilang pari? At si Bishop Cruz mismo ang nagsabi, di ba? Assuming na me political clout nga ang Simbahan, bakit natalo si Fr. Ed Panlilio sa Pampanga o kaya si Grace Padaca ng Isabela? At bakit nanalo si GMA bilang kongresista? Gayun din si Edcel Lagman na tahasang sumuporta at nagsulong sa Reproductive Health Bill noong nakaraang Kongreso? Kung ang Iglesiya ni Kristo siguro o kaya mga Muslim ang magsabi, baka puwede pang paniwalaan. Pag dating ng eleksiyon, nasa 64% ng mga miyembro ng Iglesia ang solid na bumoboto sa ini-endorso ng kanilang mga lider samantalang 48%-52% naman ng mga Muslim ang sumusunod sa ini-endorso ng kanilang mga Imam.
- Fourth, mukhang parehong nag-aasume lang ang Simbahan at Gobyerno. Di natin alam kung bopols silang pareho pero ni hindi nga nila kabisadong husto ang kanilang mga isyu. Mantakin ba naman na sabihin ng Simbahan na kasama sa artificial birth control ang abortion? Papaano mangyayari yun eh wala namang batas ang isinusulong para amyendahan ang Revised Penal Code na nagbabawal sa abortion?
The reason why this is happening is because of the wrong assumptions. Masyadong takot ang gobyerno at masyado namang nananakot ang Simbahan. Pero ano ba ang ginagawa ng gobyerno para ayusin ito once and for all?